Sunday, July 23

May Trabaho Ka Update

isang buwan na simula noong una kong pumasok sa trabaho. bilis din. dalawang beses na akong sumahod, nasukatan na ng uniform, nakapag-training na for first aid, nasubukan na halos lahat ng masahe sa spa, nagtraining sa front desk, at nag-soft opening na. dami na rin palang nangyari. nitong friday lang ay inayos na namin ang mga gamit sa hotel na tinutuluyan namin sa ayala para sa paglipat namin bukas sa ortigas. gusto ko na rin kasi umalis doon. bukod sa nakakatakot ang lugar na iyon, napakahirap pang puntahan sa umaga. napakatagal ng biyahe, kailangan ko tuloy gumising ng napakaaga.

ang perk lang naman ng pagpasok doon ay malapit ako sa kanya. mas madalas na kasi kaming magkita ngayon, kung ikukumpara noong practicum ko. mas malapit pa kami ngayon. siguro na rin, dahil alam ko na kung paano magtrabaho. di na ako bugnutin, o madalas magalit pag di kami nagkikita... mas madalas nga lang, kung di kami sabay na nakakauwi, na nalulungkot ako dahil di ko siya kasama. nasanay na kasi akong may mapagsasabihan ng mga nangyari sa araw ko, at makinig sa mga nangyari sa araw niya. hay. sana kahit lumipat na kami, ganun pa rin.

ayos pa naman ang trabaho eh. masaya. kaya lang minsan, sinusumpong ako ng pagkamiss sa school... sa mga kaklase ko. minsan kasi, may mga hirit na di maintindihan ng mga kasama ko sa trabaho. di naman inside joke, pero basta. iba ang mga usapan, kahit dun sa tambayan lang noon, kumpara sa mga usapan sa trabaho. kaya sobrang ayos nung sumama si ces sa akin para magpa-massage... at tumambay the whole day. hehe. at earlier this week, nag-text si mitch at nagpa-interview din. hmmm... ano na kaya naganap?

pasok na naman bukas. sa susunod na ko gagawa ng matinong entry dahil wala ko sa mood this week. tsk.

No comments: