Wednesday, September 5

Ang Pilosopiya ni Rach

maganda ang araw ko kahapon. galing. kasi naman, sunud-sunod na "blessings" ang dumating. di ko nga inakala na sabay-sabay lahat ng iyon. pero ayus din. sobrang ganda ng mood ko kahapon.

may superstition lang ako tungkol sa mga bagay na ganito, makeshift philosophy ko. ang mga incentives kasi sa akin, bonus lang talaga. i have what i make from my regular job, at 'yun ang talagang budgeted ko. kapag may dumadating na extra, gusto ko siyang i-share. parang sariling version ko ng pay-it-forward. kasi nga, bigay lang sa akin 'yung mga 'yun. di naman ako nag-exert ng extra effort para dun, ginagawa ko lang ang trabaho ko. it's just some people's way of showing their appreciation for what we do. sa palagay ko, 'yung ganung treatment nila, dapat ko rin ipakita sa ibang tao, especially para sa mga importanteng tao sa akin. so kung may extra ako, or may bago akong incentives, i share it with the people who mean a lot to me. kasi kung itatago ko lang para sa akin iyon... di na ako mabibigyan ng incentives! hehe. kasi itatago na lang din ng mga nagbibigay sa akin iyon. wehehe. hanep sa pilosopiya. minsan nga lang, may hindi nakakagets kung bakit ko ginagawa ito.

so ayun, masaya ako kahapon. the day before that, nagpa-ice cream ako. nag-coffee naman kami kahapon ni ces. nung una akong nabigyan ng incentive, nagdadala ako palagi ng food sa telex (chips, popcorn, crinkles), edi instant moments din ang nagagawa! hehe. o diba, saan ka pa makakahanap ng pilosopiyang walang down side? :D

No comments: