sa lahat naman ng panahon, ngayon ko pa naisipang magsulat sa blog. labo, oh. nasa isang internet cafe ako sa kalagitnaan ng ayala, nakatengga indefinitely hanggang sa matapos ang isang bata sa trabaho niya. hehe.
wala naman talagang sureball na topic 'to... natawa lang ako sa idea na may sarili kong computer, private naman sa bahay, pero dito pa ako nag-decide na magsulat... labo.
angkyut ng time kanina... 4:44 pm.
galing akong shangri-la mall. bakit kamo? wala lang... nag-meeting kami ng mga groupmates ko sa chem 1. sotsyal! lammu naman, tambay tambay na lang sa starbucks while making discuss chu.... shet. di talaga bagay.
UP Fair na!! hahaha! grabe na 'yung pagka-haggard ko this week para lang maisaayos ang mga booths sa fair... end result? nakuha rin namin ang smokey's, matapos ang ilang araw na pakikipag-usap sa isa pang org... isipin n'yo na lang ang eksenang ito kagabi-- si jac ay nakikipag-head on collision na sa isang org, at si mary ang taga-awat. paano kaya matatapos ang eksenang 'yun kung sakaling di naayos lahat?!
speaking of kagabi... lecheng amazing race! napatunayan kong isa na nga kong sedentary being tulad ni spongebob. haha. masakit pa ang legs ko dahil kahapon lang ulit ako tumakbo ng tunay. galing ng mga apps at mems... pwera ako... at si binay! hehehe. biruin mong makautangkami ng halos 200 pesos from random people na nakatambay lang naman sa UP... likas na mababait ang mga tao.
(nakaka-P30.00 na ako... para sa isang blog post)
oh well... kaunting oras na lang... siguro mas okay kung maglibot naman akong kaunti. gawin ko nalang ang pagiging cyber bum sa bahay.