di naman ganito itsura ng dna diba? oh well, mouse over the different colors if you want to know what they mean.
Sunday, June 18
DNA
di naman ganito itsura ng dna diba? oh well, mouse over the different colors if you want to know what they mean.
Saturday, June 17
Of Striking Entevand and Eating Your Own Hotdog
okay enough of her.
i went out for groceries the other day, and was totally tickled by what i saw. i was browsing through breakfast meats, tocino, longganisa, nuggets, hotdogs, etc., when i chanced upon a new product from swift.... with Sam Milby's smiling face on it!
it was the Swift All-Meat (SAM) Hotdogs. it would have been better if i could've taken a picture of it at the time, since it has not made any sort of appearance online... yet. it's just weird for a grown man to be endorsing hotdogs that way. how did they even get him to agree to naming the hotdogs after him and have an image of him eating his own hotdog plastered on the product's packaging? (pun intended)
oh well, the things people think of... for the sake of marketing. kaya nga ayoko sana dun eh! hehe.
--------------------------------------------------------------------------
#Edit# 2 July 06
okay. so finally, the SAM hotdogs pictures have finally turned up online. hehe. buti na lang nauna ko nagpost! haha. i got this pic from mcvie. there's a really funny blog entry that goes along with it... which could actually be the answer to my previous questions. galing.
to all the gay men... please keep your mouths closed. this is a pretty decent blog. haha.
Saturday, June 3
Mula sa Madlang Walang Trabaho
professional bum na talaga ako ngayon, pero ano na nga ba gagawin ko? alam ko, naaaliw pa rin ako sa pagtambay-tambay ko dito dahil nga matagal-tagal rin akong walang pahinga, pero mababagot din ako eventually. saan ko nga ba gustong pumasok? paano na ngayon, di na ako bibigyan ng allowance? dalawang buwan nang di nasasayaran ng alcohol ang lalamunan ko, at ngayon ni pambili ng beer wala na ako. (oh well, nag-inuman kami sa cantina nung malaman namin ni mau na grad na kami but still...)
ibang level na naman ito eh. unti-unti na kasing inaalis ung mga pressure factors ng buhay ko. wala nang deadline na kailangang i-meet, wala nang grades na kailangang itaas, wala. tanging drive ko lang na mabuhay at maging productive. minsan tuloy naiisip ko na baka di 'yun sapat para tumayo ako at lumakad papalayo sa computer na ito, kung saan ako maaring mabulok habang buhay.
masaya naman ako na matapos eh. kaya lang, natatakot din ako. wala nang mas real world dito, alam mo 'yun? kung magkamali man ako, may malalaking consequences nang puwedeng mangyari. at kahit na gaano pa karaming tao ang alam kong nandiyan para sa akin, di ko pa rin maiwasan ang isipin na nag-iisa na lang ako dito ngayon.
wish me luck. di kakayanin ng liquid courage itong nararamdaman ko ngayon. kailangan nang i-summon ang willpower ko... na sana ay naipon at malakas na ngayon.
---------------------------------------------------------------------
*oi! new layout pala... mas malinis, mas simple... dahil... wala lang. sabi nga sa prac manual: "fancy folders will not affect the outcome of your grade."
kaya ito, ung tig-10 pisong sliding folder nalang ang gamit ko.Ü