this is not a good day to go to work.
aside from the obvious na sobrang lakas ng ulan ngayon, mahirap sumakay, at masarap matulog o kaya ay maupo sa kama habang nanonood ng mga movies sa hbo, pangit ang araw na ito dahil di safe sa workplace. gusto nyo ng pruweba? ikukuwento ko sa inyo.
so feeling ko this morning, suwerte ako. agad akong nakasakay ng fx sa mindave. at kung papalarin ka nga naman, didiretso pa ng ortigas ang lolo mo. kaya di na ko kailangang pumila pa, o kaya ay mag-mrt at maglakad across the rocky parking lots of podium. bumaba ako ng el pueblo at naglakad papuntang discovery. tinignan ko ang relo ko habang inaantay for 50 million years ang elevator ni kuya cesar. 8:47. di pa ko late.
dumiretso ako sa spa kasama ang isa sa mga therapists. papasok pa lang kami nang marinig ang ingay ng tubig. pagliko sa isa sa mga hallways, nakita namin ang dalawang pseudo-"waterfalls" na bumabagsak mula sa mga halogen lights papunta sa wooden floors. di kami makadaan. wadaweedoo? binuksan namin ang aming payong at pinangsangga ito sa tubig. agad naman naming nasabihan ang manager thru text, ang engineering department ng hotel, at ang head ng marketing, na sa panahong iyon ay ang nag-iisang tao sa office.
mga 1 1/2 hours after, dumating ang mga managers at ang spa consultant. nalaman namin na sewer pipes pala sa itaas ang sumabog. siyet. maduming tubig. kaya pala ang baho. galing pa sa mga banyo ng mga suites yun. waaahhhh!!! ayoko nang isipin ang mga duming nadikit malamang sa payong ko!!!
maya-mayang kaunti ay tinawag ako ng spa consultant. sinabihan ako na bakit daw hindi ko sinabihan ang manager at ang gm. what? front desk ako. nang makita namin, natext na namin ang manager. at bakit daw sinabi ko sa head ng marketing at di sa gm, di ko naman daw 'yun boss. haynaku. eh wala ngang tao. it was the closest we could get to the highest powers nang ganun kaaga. siyempre kailangan ko bumalik sa spa, para i-man ang front desk just in case may mga gustong pumasok dun na guest at makita na ganun ang nagaganap. hay. what did i do wrong?!
oh well. di naman ako nasabon masyado. bad trip lang kasi ang sinasabi ng spa consultant, ako daw ang in charge sa mga nangyayari sa buong spa. what?! sa front desk lang ako... hindi ako manager of some sort. buti sana kung mas mataas ang sweldo ko. oo, may responsibility ako pero di to the point na ako ang masisisi in situations na ganito. gusto ba nilang sahurin ko ang mabahong tubig?! hehe.
weniwei... dahil sa mga naganap, natigil ang training namin. pinauwi kami ng maaga. kaya heto ko ngayon, sa bahay, isinusulat ang nangyari kanina at pinahuhugasan ang payong kong kadireh na.