nailagay ko na sa tagboard ko na hindi na ako magsusulat ulit dito. matagal ko na rin namang naisip ito, kasi nga naman, it's not good to wash your dirty laundry in public (or something along that line). di rin naman ako celebrity para mag-post ng mga bagay tungkol sa buhay ko para lang basahin ng mga taong di naman ako kilala. hindi rin naman nailalagay ang buong pangyayari pag nagsulat sa blog. "framing" daw ang tawag dito sabi ng bc 10 prof ko. ibig sabihin, kung sino man ang nagdadala ng kwento ang siya ring pumipili kung paano niya ito ipapahayag. 'yung presentation ba. ibig sabihin, may mga bagay na natatanggal o hindi nasasabi dahil... well... sa maraming dahilan. bahala na sila doon.
dito tuloy nag-uumpisa ang conflicts.
kaya mas mainam nga siguro na isara ko na ang "toilet bowl" ko.
pero kanina, dahil mag-isa lang ako sa bahay, nagbago ang isip ko.
blog-hopping lang naman ang ginagawa ko buong hapon. wala lang. masarap lang kasi magbasa paminsan-minsan. maya-maya ay nabasa ko ang isang entry dun sa isa sa mga kaibigan ko. tinatanong kasi siya kung bakit niya ginagawa ang mga ginagawa niya. may pagka-laid back kasi itong taong ito kaya ang sagot niya...
"dahil gusto ko."
parang ang babaw na dahilan ano? bata lang ang madalas gumamit nito. pero tama naman. bakit mo kailangang isipin ang mga opinyon ng iba kung gusto mo naman ang ginagawa mo? hindi mo naman kasalanan kung hindi nila gusto ang nababasa nila, o nakikita nila. bahagi na kasi iyon ng kung sino ka at kung hindi naman illegal o masama ang ginagawa, wala namang dahilan para pigilan ka.
halos pareho kasi kami ng iniisip ng taong nagsulat ng ganito sa blog niya. parang destined na talaga na magbasa ako ng blog niya na months ko na ring hindi tinitignan dahil di ko naman siya kilala sa totoong buhay. sa net lang. hehe. nakakatawa nga na kaya rin siya napag-isip ay dahil din sa pagbabasa ng blog ng iba... at sa pagtatanong niya kung bakit pa nag-susulat sa blog ang taong iyon. nabanggit naman niya ang isa pang rason kung bakit nga pala ako nag-umpisang mag-blog.
may mga bagay kasi na mahirap sabihin. mga bagay na hindi mo naman maikukuwento ng harapan, kahit pa sa pinakamalapit na kaibigan. mahirap namang magkimkim na lang, maging kasiyahan man ito o sama ng loob. lalo na para sa akin, medyo naiilang kasi akong magsalita kasi mabilis ako umiyak, at madali ring mautal. maaring pagdudahan ka sa sinasabi mo kung ganoon magsalita.
pero pag nagsusulat ka sa blog, wala ka nang iniisip. kung ano man ang nararamdaman mo, o nangyayari sa iyo, naisusulat mo kaagad. tama nga lang na banyo ang motif ng blog kong ito. sa banyo, hubad ka. walang ibang nanonood sa iyo. ang concern mo lang is getting your business over with... successfully. hehe. ganito rin sa blog, di na kasi kailangang alalahanin pa kung tama ba ang sinusulat mo, basta ang mahalaga, maihinga lang kung ano 'yung gusto mong sabihin. haay. napabuntong hininga tuloy ako sa huling statement na 'yun.
so ano na nga ba ang point ng mahaba ko na namang entry?
ayaw ko nang isara ang blog ko. napagisip-isip ko kasi na hindi ko naman kasalanan (entirely) 'yung mga latest events na nangyari... dapat lang, nasabi ko rin ng buo sa dapat na makaalam ang lahat... hindi iyong hinahayaan ko na lang na mabasa ang blog ko at i-interpret na lang iyon kung paano niya nabasa. hay. outlet ko rin naman ito. kaya kung anuman ang nakasulat dito ay totoo, as of the moment na nai-post ko ang mga iyon.
i just hope the entries won't be regarded at face value (hehe)... i had framed each entry the way i wanted it to come out the time i wrote them. there are a few more sides that one has to consider before jumping to any conclusions.
hay. di ko na pala kailangang isara ang cubicle kong ito. hehe.
--------------------------------------------------
i haven't been this sad for a while- 032106

No comments:
Post a Comment