dalawang buwan na kong nawala, at ngayon ako'y nagbabalik. yebah. itong nakaraang dalawang buwan na ito siguro ang isa sa mga pinakanakakapagod na pangyayari sa buhay ko. pero, sabi nga sa friendster horoscope (ehehe. no joke.), pagtiyagaan ko raw ang isang "unpleasant commitment" dahil sa huli ay magkakaroon ako ng magandang "rewards." o diba, bagay? dahil matapos ang dalawang buwan ng pagiging alila sa isang hotel... graduate na ako. welcome to the wonderful world of the unemployed!
professional bum na talaga ako ngayon, pero ano na nga ba gagawin ko? alam ko, naaaliw pa rin ako sa pagtambay-tambay ko dito dahil nga matagal-tagal rin akong walang pahinga, pero mababagot din ako eventually. saan ko nga ba gustong pumasok? paano na ngayon, di na ako bibigyan ng allowance? dalawang buwan nang di nasasayaran ng alcohol ang lalamunan ko, at ngayon ni pambili ng beer wala na ako. (oh well, nag-inuman kami sa cantina nung malaman namin ni mau na grad na kami but still...)
ibang level na naman ito eh. unti-unti na kasing inaalis ung mga pressure factors ng buhay ko. wala nang deadline na kailangang i-meet, wala nang grades na kailangang itaas, wala. tanging drive ko lang na mabuhay at maging productive. minsan tuloy naiisip ko na baka di 'yun sapat para tumayo ako at lumakad papalayo sa computer na ito, kung saan ako maaring mabulok habang buhay.
masaya naman ako na matapos eh. kaya lang, natatakot din ako. wala nang mas real world dito, alam mo 'yun? kung magkamali man ako, may malalaking consequences nang puwedeng mangyari. at kahit na gaano pa karaming tao ang alam kong nandiyan para sa akin, di ko pa rin maiwasan ang isipin na nag-iisa na lang ako dito ngayon.
wish me luck. di kakayanin ng liquid courage itong nararamdaman ko ngayon. kailangan nang i-summon ang willpower ko... na sana ay naipon at malakas na ngayon.
---------------------------------------------------------------------
*oi! new layout pala... mas malinis, mas simple... dahil... wala lang. sabi nga sa prac manual: "fancy folders will not affect the outcome of your grade."
kaya ito, ung tig-10 pisong sliding folder nalang ang gamit ko.Ü

2 comments:
haha! nakakatawa yung videoke! haha! bakit kaya ginawan nila ng videoke yang tao na yan?
kase nakakatawa ang mga taong nagkakamali. cruel, cruel world. hehe. ewan. beats watching two grown men beat each other to a pulp as a form of entertainment. haha.
Post a Comment