Sunday, June 18

DNA

ito daw ang personal dna ko. personally, naaliw lang ako sa mga tests nya... hehe. i dunno about the inventor thing... pero benevolent naman akong tunay diba? mga friends? hello?

di naman ganito itsura ng dna diba? oh well, mouse over the different colors if you want to know what they mean.

Saturday, June 17

Of Striking Entevand and Eating Your Own Hotdog

okay. so here's the deal. i've been having the most fun in the past few days than i've ever had since i finished school. no guys, i'm not working yet. i am still enthralled by the joys of bum-ness. hehe. so here is one of the vids i saw online. i sure feel sorry for the girl... walang kaplastikan yan ha! but really, it's just too funny to pass up.




okay enough of her.

i went out for groceries the other day, and was totally tickled by what i saw. i was browsing through breakfast meats, tocino, longganisa, nuggets, hotdogs, etc., when i chanced upon a new product from swift.... with Sam Milby's smiling face on it!

it was the Swift All-Meat (SAM) Hotdogs. it would have been better if i could've taken a picture of it at the time, since it has not made any sort of appearance online... yet. it's just weird for a grown man to be endorsing hotdogs that way. how did they even get him to agree to naming the hotdogs after him and have an image of him eating his own hotdog plastered on the product's packaging? (pun intended)

oh well, the things people think of... for the sake of marketing. kaya nga ayoko sana dun eh! hehe.


--------------------------------------------------------------------------
#Edit# 2 July 06

okay. so finally, the SAM hotdogs pictures have finally turned up online. hehe. buti na lang nauna ko nagpost! haha. i got this pic from mcvie. there's a really funny blog entry that goes along with it... which could actually be the answer to my previous questions. galing.

to all the gay men... please keep your mouths closed. this is a pretty decent blog. haha.


Saturday, June 3

Mula sa Madlang Walang Trabaho

dalawang buwan na kong nawala, at ngayon ako'y nagbabalik. yebah. itong nakaraang dalawang buwan na ito siguro ang isa sa mga pinakanakakapagod na pangyayari sa buhay ko. pero, sabi nga sa friendster horoscope (ehehe. no joke.), pagtiyagaan ko raw ang isang "unpleasant commitment" dahil sa huli ay magkakaroon ako ng magandang "rewards." o diba, bagay? dahil matapos ang dalawang buwan ng pagiging alila sa isang hotel... graduate na ako. welcome to the wonderful world of the unemployed!

professional bum na talaga ako ngayon, pero ano na nga ba gagawin ko? alam ko, naaaliw pa rin ako sa pagtambay-tambay ko dito dahil nga matagal-tagal rin akong walang pahinga, pero mababagot din ako eventually. saan ko nga ba gustong pumasok? paano na ngayon, di na ako bibigyan ng allowance? dalawang buwan nang di nasasayaran ng alcohol ang lalamunan ko, at ngayon ni pambili ng beer wala na ako. (oh well, nag-inuman kami sa cantina nung malaman namin ni mau na grad na kami but still...)

ibang level na naman ito eh. unti-unti na kasing inaalis ung mga pressure factors ng buhay ko. wala nang deadline na kailangang i-meet, wala nang grades na kailangang itaas, wala. tanging drive ko lang na mabuhay at maging productive. minsan tuloy naiisip ko na baka di 'yun sapat para tumayo ako at lumakad papalayo sa computer na ito, kung saan ako maaring mabulok habang buhay.

masaya naman ako na matapos eh. kaya lang, natatakot din ako. wala nang mas real world dito, alam mo 'yun? kung magkamali man ako, may malalaking consequences nang puwedeng mangyari. at kahit na gaano pa karaming tao ang alam kong nandiyan para sa akin, di ko pa rin maiwasan ang isipin na nag-iisa na lang ako dito ngayon.

wish me luck. di kakayanin ng liquid courage itong nararamdaman ko ngayon. kailangan nang i-summon ang willpower ko... na sana ay naipon at malakas na ngayon.

---------------------------------------------------------------------
*oi! new layout pala... mas malinis, mas simple... dahil... wala lang. sabi nga sa prac manual: "fancy folders will not affect the outcome of your grade."

kaya ito, ung tig-10 pisong sliding folder nalang ang gamit ko.Ü

Sunday, April 2

Closing Time (?)

nailagay ko na sa tagboard ko na hindi na ako magsusulat ulit dito. matagal ko na rin namang naisip ito, kasi nga naman, it's not good to wash your dirty laundry in public (or something along that line). di rin naman ako celebrity para mag-post ng mga bagay tungkol sa buhay ko para lang basahin ng mga taong di naman ako kilala. hindi rin naman nailalagay ang buong pangyayari pag nagsulat sa blog. "framing" daw ang tawag dito sabi ng bc 10 prof ko. ibig sabihin, kung sino man ang nagdadala ng kwento ang siya ring pumipili kung paano niya ito ipapahayag. 'yung presentation ba. ibig sabihin, may mga bagay na natatanggal o hindi nasasabi dahil... well... sa maraming dahilan. bahala na sila doon.

dito tuloy nag-uumpisa ang conflicts.

kaya mas mainam nga siguro na isara ko na ang "toilet bowl" ko.

pero kanina, dahil mag-isa lang ako sa bahay, nagbago ang isip ko.

blog-hopping lang naman ang ginagawa ko buong hapon. wala lang. masarap lang kasi magbasa paminsan-minsan. maya-maya ay nabasa ko ang isang entry dun sa isa sa mga kaibigan ko. tinatanong kasi siya kung bakit niya ginagawa ang mga ginagawa niya. may pagka-laid back kasi itong taong ito kaya ang sagot niya...

"dahil gusto ko."

parang ang babaw na dahilan ano? bata lang ang madalas gumamit nito. pero tama naman. bakit mo kailangang isipin ang mga opinyon ng iba kung gusto mo naman ang ginagawa mo? hindi mo naman kasalanan kung hindi nila gusto ang nababasa nila, o nakikita nila. bahagi na kasi iyon ng kung sino ka at kung hindi naman illegal o masama ang ginagawa, wala namang dahilan para pigilan ka.

halos pareho kasi kami ng iniisip ng taong nagsulat ng ganito sa blog niya. parang destined na talaga na magbasa ako ng blog niya na months ko na ring hindi tinitignan dahil di ko naman siya kilala sa totoong buhay. sa net lang. hehe. nakakatawa nga na kaya rin siya napag-isip ay dahil din sa pagbabasa ng blog ng iba... at sa pagtatanong niya kung bakit pa nag-susulat sa blog ang taong iyon. nabanggit naman niya ang isa pang rason kung bakit nga pala ako nag-umpisang mag-blog.

may mga bagay kasi na mahirap sabihin. mga bagay na hindi mo naman maikukuwento ng harapan, kahit pa sa pinakamalapit na kaibigan. mahirap namang magkimkim na lang, maging kasiyahan man ito o sama ng loob. lalo na para sa akin, medyo naiilang kasi akong magsalita kasi mabilis ako umiyak, at madali ring mautal. maaring pagdudahan ka sa sinasabi mo kung ganoon magsalita.

pero pag nagsusulat ka sa blog, wala ka nang iniisip. kung ano man ang nararamdaman mo, o nangyayari sa iyo, naisusulat mo kaagad. tama nga lang na banyo ang motif ng blog kong ito. sa banyo, hubad ka. walang ibang nanonood sa iyo. ang concern mo lang is getting your business over with... successfully. hehe. ganito rin sa blog, di na kasi kailangang alalahanin pa kung tama ba ang sinusulat mo, basta ang mahalaga, maihinga lang kung ano 'yung gusto mong sabihin. haay. napabuntong hininga tuloy ako sa huling statement na 'yun.

so ano na nga ba ang point ng mahaba ko na namang entry?

ayaw ko nang isara ang blog ko. napagisip-isip ko kasi na hindi ko naman kasalanan (entirely) 'yung mga latest events na nangyari... dapat lang, nasabi ko rin ng buo sa dapat na makaalam ang lahat... hindi iyong hinahayaan ko na lang na mabasa ang blog ko at i-interpret na lang iyon kung paano niya nabasa. hay. outlet ko rin naman ito. kaya kung anuman ang nakasulat dito ay totoo, as of the moment na nai-post ko ang mga iyon.

i just hope the entries won't be regarded at face value (hehe)... i had framed each entry the way i wanted it to come out the time i wrote them. there are a few more sides that one has to consider before jumping to any conclusions.

hay. di ko na pala kailangang isara ang cubicle kong ito. hehe.

--------------------------------------------------
i haven't been this sad for a while- 032106

Thursday, March 2

Conditionals

tagged by Bianca

1. what is your name? (must not contain: a, c, g, h, s, j, u, r, n):
---> _ _ _ _ el _ _ _ e de _ _ _ t _ o... walang natira sa pangalan ko

2. what time is it? (you CANNOT use numbers)
---> american idol na sa abc 5

3. what school or job do you go to? (you CANNOT use proper nouns):
---> the premier state university... naks!

4. how are you feeling right now? (must contain at least 6 letters)
---> perplexed

5. how old are you? (cannot be in terms of years)
---> i am as old as the original People Power Revolution

PREFERENCES/FAVORITES:
1. where's the perfect vacation place? (cannot be in the philippines)
---> i haven't been out eh...

2. favorite musical artist? (must be outdated)
---> marvin gaye

3. favorite book? (must contain at least 400 pages)
---> chemistry by brown and lemay ba un... at saka ung financial management ni van horne (tama nga ba ung author...). hehe

4. favorite junkfood? (must come in at least 3 flavors)
---> doughnuts

5. favorite spice (you must also state at least 3 food/drink items in which the spice is used)
---> cinnamon (pies, cinnamon roll, hot chocolate)

6. favorite country? (you must be able to name the capital and a natural landmark)
---> England- London- Thames River (tama nga ba? heh)

7. favorite food? (must be filipino food)
---> SISIG

8. one of your favorite movies? (you must also state one of the characters of the movie and a memorable line they said)
---> shrek 2! donkey: "are we there yet?"

9. state another memorable line from that movie...
---> "Puss!.... in boots."

11.favorite holiday? (must be celebrated by all)
---> New Year


-----------------

kailangan lang ma-relieve ang stress... grabe!!! bukas na ang interview ko!!! waaah!!! wish me and mau luck naman oh... na sana ay hindi kami mangamote pareho... hehehe.

Thursday, February 23

Wala Lang Part 2

I am 4% Geek.
I wish I was a Geek. But alas I am not. Damn.
I wanna be a geek. But I'm not. Why would I even want to be one. Do I think it's fun? I should try writting an online test application at 1 am in my underwear
okay... wala lang. i thought i'd be much geekier than that. haha. just goes to show how people shouldn't rely on tests to find out stuff about themselves...
while we're at it... try n'yo naman visit ito....
kung kilala niyo naman akong tunay.... ayos yan. hehe. gawa rin kayo... hanggang sa mauso. wahahaha.
next time na ako gagawa ng matinong entry... natatamad na ako eh. dami pang dapat ayusin.

Saturday, February 11

(NOT) In the Comfort of My Own Home

sa lahat naman ng panahon, ngayon ko pa naisipang magsulat sa blog. labo, oh. nasa isang internet cafe ako sa kalagitnaan ng ayala, nakatengga indefinitely hanggang sa matapos ang isang bata sa trabaho niya. hehe.

wala naman talagang sureball na topic 'to... natawa lang ako sa idea na may sarili kong computer, private naman sa bahay, pero dito pa ako nag-decide na magsulat... labo.

angkyut ng time kanina... 4:44 pm.

galing akong shangri-la mall. bakit kamo? wala lang... nag-meeting kami ng mga groupmates ko sa chem 1. sotsyal! lammu naman, tambay tambay na lang sa starbucks while making discuss chu.... shet. di talaga bagay.

UP Fair na!! hahaha! grabe na 'yung pagka-haggard ko this week para lang maisaayos ang mga booths sa fair... end result? nakuha rin namin ang smokey's, matapos ang ilang araw na pakikipag-usap sa isa pang org... isipin n'yo na lang ang eksenang ito kagabi-- si jac ay nakikipag-head on collision na sa isang org, at si mary ang taga-awat. paano kaya matatapos ang eksenang 'yun kung sakaling di naayos lahat?!

speaking of kagabi... lecheng amazing race! napatunayan kong isa na nga kong sedentary being tulad ni spongebob. haha. masakit pa ang legs ko dahil kahapon lang ulit ako tumakbo ng tunay. galing ng mga apps at mems... pwera ako... at si binay! hehehe. biruin mong makautangkami ng halos 200 pesos from random people na nakatambay lang naman sa UP... likas na mababait ang mga tao.

(nakaka-P30.00 na ako... para sa isang blog post)

oh well... kaunting oras na lang... siguro mas okay kung maglibot naman akong kaunti. gawin ko nalang ang pagiging cyber bum sa bahay.

Tuesday, January 10

Kahilingan Listahan (korni)

birthday ko na bukas! whoopee. hehe. astig pa kasi walang preprac. again. pwede akong magpaka-bum lang the whole day! wahahahaha!!!
naisip ko, since wala akong magawa... gagawa rin ako ng wishlist. naks. problema lang, wala kong maisip na gusto... hehe.
  1. bagong phone: yep, na naman. kasi naman ano, binuhay ng telepono ko ngayon ang pagkainis ko. sa kalagitnaan ng pag-sesend ng message, bigla na lang namamatay! kay bagal pa ng pagtetext dahil slow utak ng cellepono kong ito. gusto ko na magbalik loob sa ericsson. hay. this is what i get for listening to blasted sales talk. tsk. dapat ata maging mas aware sa cellphone matters. haha.

  2. bed: nakuh. ang dahilan lang nito? kasi pag nagwawala kami noon dito sa kwarto ko noong series, o catering, o feasib, o thesis, o kahit wala lang, tambay lang, may napapatalon sa kama. hehe. sira tuloy. isa pa, tagal na ng kama ko... since gradeschool pa yata eh. kailangan nang palitan... kaunti na lang malapit ko nang malakihan 'to eh.

  3. cd writer: tama bang term 'to? medyo techno bobo eh. kasi naman, kay dali nasira nung combo. effort tuloy mag-burn ng files sa cd kung galing sa puter ko.... lipat ko pa sa puter ni father dear sa kabilang kwarto. hay.

  4. sandalyas/ tsinelas: hehe. wala lang. obsesyon ko na yata ito. pero sabagay... napabili ako ng sandalyas kanina ng di oras. kasi naman, isa na nga lang ang klase ko kanina, 4th floor pa ito, ginawa ko pa ang may pagka-weird na assignment, at nag-taxi pa ko (dahil late na) tapos walang pasok. shet. para mawala ang inis... bumili na lang ako ng sandalyas. yebah.

  5. books: matagal na akong di nakakabili ng libro na for leisure reading lang talaga. maalala ko pala... 'yung mga librong pinahiram ko noon pa, hindi pa bumabalik... huhu. makikita ko pa kaya sila? nalalagas na ang aking munting library. hehe.

  6. printer: oo nga pala! ang printer ko ay naghihingalo na... hehe. kitang-kita naman sa pangyayari noong feasib. sana mapalitan na... (pati pc na rin... hehe. o kahit bagong hard drive lang. 'yung sabi ni mervs na 80gb yata. hehe)

  7. booze bakasyon: hahaha! saya sana nito. tulad nung mga antipolo nights dati... na wala nang near-death experiences. haha. oh well... dito na lang yan sa bahay para mas safe. =D

wala na ko maisip eh... karamihan yata diyan kailangan lang kasi. di ako ma-gift na person... ewan ko ba. basta gusto ko lang maging masaya ako sa birthday ko... at maka-graduate na! hahaha.

besides, wala ka rin naman siguro balak na tuparin yan. haha.

Saturday, January 7

...

sometimes you just have a gut feeling that something bad is about to happen. but you can't really do anything. how could you, when you don't even know what it is?

it has been gnawing at me all afternoon. i thought i was just feeling sick because i had too much junk to eat during what would probably pass as "lunch" at four in the afternoon. after a few hours, i wasn't feeling as full. i didn't feel any better. i recognized dread.

the evening came and went, but nothing happened, really. so i just didn't bother with it anymore, had no reason to anyway...

until now.
(50th post ko na pala ito. heeh. *claps*)

Monday, January 2

new year gibberish

2006 na. naks. ilang araw na lang twenty na ko.

yep, you heard it right. none of the pa-cute teen effect for me. sa tunay na buhay lang, masyado kong malaki para magpacute at kailangan ko na lang tanggapin ang pangyayaring ito. oh yeah. spoken like a true... errr... adult?! haha!

shet! excited na ko sa birthday ko!!! senglotan na 'to mga tsong!! (ayun. nawala ang maturity.)

ano ba ang mga madalas na ilagay sa mga new year post? new year's resolution? hmm... wala naman ako nito eh. di ko rin naman kasi nasusunod. year in review? naku, medyo boring yata ito. kasi majority ng taon ko eh sa school lang naman talaga nakatuon. kung meron namang mga bagay na kakatuwa o kagimbal-gimbal na naganap nitong nakaraang taon, malamang naisulat ko na rin iyon dito. ano pa ang saysay ng year-end review ngayon?

sabihin ko nalang kaya kung ano nangyari nung huling araw ng 2005. eherm. the last day in review. shet.

naglinis ako ng kwarto. walang biro. alam ko lagi ko na lang sinasabi na maglilinis ako ng aking kwarto (na punong-puno ng galit at damit... ayyangkorni.), pero ngayon ko lang talaga nagawa 'yung todo linis na ito. isa lang ang napagtanto ko- ang "kalat" ko ay hindi ko talaga kalat. may bookshelf akong hindi ko naman libro ang nakalagay. may mga labahing karamihan ay di naman akin, may cabinet akong sarili pero lagpas kalahati nun ay hindi naman ginagamit na, at hindi akin. hay. ang aking kwarto ay hindi talaga kwarto. isa siyang bodega. at nagiging dagdag lang sa kalat ko ang binili ni Ma na storage bins para sa gamit kong "ikinakalat" ko raw. hay.

bugnutin din pala ako. ayan. nagulat ako diyan. at pag bad trip na pala ko, naaaliw akong maglakad-lakad mag-isa. kaya pumunta ako ng sm. nag-away pa kami ng kapatid ko dito kasi sasama sana siya para makipagkita sa boylet niya. pero dahil wala ko sa mood makipagkulitan, iniwan ko siya. sorry, jen.

okay naman maglakad sa mall noon. sa bilihan lang ng cakes sobrang madaming tao. pati sa grocery. may binili lang naman ako sa bookstore at bumili ng doughnuts sa dots. nawala yata sungit ko dun sa bata na nakasalubong ko. ang cute kasi. tapos nakatingin siya sa akin. nakangiti at kinakawayan pa ako. tinignan ko pa nga nanay niya dahil baka kilala ko, di naman. napangiti tuloy ako. kasi tuwang-tuwa sa buhay niya 'yung bata eh. parang di naman tama na sumimangot ako at sirain 'yung araw niya.

pag-uwi ko, nag-net ako sandali. tapos nautusan akong bumili ng last minute supplies. heeh. daming tao sa cherry. bumalik 'yung inis ko dun. kasi naman muntik na ko maatrasan dun. eh di naman bumubusina whatsoever 'yung lalaki. paglabas niya ng sasakyan, ang angas pa. bling bling sa porma at utang na loob ang pabango! na-suffocate yata ako. hrmph.

pinagawa ako ng garlic bread. ermmm... medyo oks na ko nito kasi naaalala ko pag function. garlic bread maker na yata ako forever sa kitchen noon, kahit di naman ako production. haha. nawala 'yung stress ko sa epal na mamang 'yon.

nanood na ko ng tv pagkatapos. nagtago sa isang sulok para kainin 'yung pulutan na naitakbo namin ni Ma (inihaw na tuna belly. yum) at hinintay ang 2006.

ayan. ayan na 'yung last day ko ng 2005. inis-okay lang. hehe.

at 'yung nangyari kanina...

first day ng classes....

wala.

as in walang naganap. walang klase. period.

futile ang aking efforts na maging mabait na estudyante ora mismo.

kinausap ko na lang ng heart-to-heart si manong ebe. at na-open up na niya sa akin ang kaniyang nakaraan. hehe.

tapos, pumunta na naman akong sm para mag-lunch. alone. isa pang paboritong gawain. kasi wala nang nanonood sa'yo habang kumakain ka. walang pakialamanan kung matakaw. pero napansin ko kanina, dahil sa jumbo japs ako kumain, hindi na ako kasinglakas ng dati. gutom na gutom na ako kanina ha, dahil hindi ako nag-almusal. hmm... napatunayan ko tuloy na talaga ngang matakaw ako by association. especially when i am associated with ces. hahahaha!

tapos umuwi. nanood ng tv. napaisip ng kwarto ko (na susunod ko na talagang gawan ng entry ang issue na ito). nagbasa. at ngayon, ito. ginagawa ka.

mahaba na rin pala ang unang post ko ngayong taon. di ko mahanap na 'yung point ko. wala naman yata siyang sense. hmmm... pero 'yun na nga rin 'yung sense ata nun. basta. susunod ko naman na explain 'yun.

Wednesday, December 28

Tawa Hanggang Umaga

bumabalik na naman ang pagiging nocturnal ko. di ako nakatulog hanggang mga alas-singko na siguro. madaling araw na pero gising pa rin ako, nakaharap sa PC. wala naman akong ka-ym. sumasagot ng survey para di mabagot sa kawalan. ang tanging kasama kong gising ay ang kapatid ko, wala rin naman siyang natutulong sa insomnia ko kasi sinusulit nila ng boyfriend niya ang unlimited.

naisipan ko tuloy na maglinis ng mga inbox ko. nang matapos ko na ang paglilinis ng e-mail ko (na wala rin naman kwenta, kasi super laki ng space sa gmail), naisip kong linisin din 'yung sa friendster ko. nakita ko ang message ni jonas sa akin noon pa, nakalagay 'yung link ng site nya. at doon na nag-umpisa ang laughtrip ko.

nakalagay kasi sa site niya 'yung mga corny jokes namin nung high school. madami na nga ata dun 'yung di ko na maalala 'yung sagot. at dahil madaling araw na, wala pa akong tulog, etc, etc, mabenta ang mga jokes na 'yun sa'kin. at pati na rin sa kapatid ko. may mga di pa nga kami ma-gets nung una eh.

share ko na rin 'yung iba (check n'yo 'yung link ni jonas sa sidebar kung gusto n'yo makita lahat).


Q: bakit si Jesus, laging maligaya?

A: kasi, He is the Masaya.


Q: bakit si Jesus hindi nauuhaw?

A: kasi, He is the King of the Juice

(sorry po. natawa talaga ko dito eh. )

Q: sinong hero ang sumasakay ng bus, jeep, mrt, tricycle, fx, etc?

A: edi si, pasaHERO


Q: anong pinag-aralan ni Tiger Woods nung college?

A: GOLF COURSE


A: gud murning, sir! tsik-in po kayu?

B: hindi, noy-pi.


Q: sa isang dyip, ilan ang driver?

A: anim


Q: there were 10 soldiers, 2 must die. how many were left?

A: nine


Q: saan kumakain ang mga bear?

A: sa BEAR-ger King!


Q: ang cat ay sa pusa, anong sagot?

A: kambing


Q: sinong artista ang maraming ngipin?

A: si ma-teeth de leon!


Q: sinong artista ang mas marami ang ngipin?

A: si edgar mor-teeth!


Q: sinong artista ang konti ang ngipin?

A: si paolo kon-teeth!


angkorni na noh? oh well, i guess you just had to be in that moment para maramdaman n'yo 'yung saya namin dahil sa corny jokes na 'yan.

*Happy Birthday, Marvi (corny joke queen) !!!*

Sunday, December 25

Christmas Post

(try ko lang mag-umingles ulit. nakakalimutan ko na yata kung paano eh. hehe)

even when i was little, i wasn't really too crazy about christmas. as far as i know, i never had any traumatic experiences during christmas so the reason behind my lack of enthusiasm for the season is still undetermined. don't get me wrong, i'm no grinch. i just don't find it as exciting as new year maybe. or my birthday (which is coming up in a few weeks, might i just add).

so i didn't think this year would be any different. i'd probably sleep through Noche Buena, if not zone out in front of the TV and eat the meal there. gifts? there's not a lot of it, since my birthday is just a few weeks after christmas. i was set for a quiet weekend.

i didn't expect it to be filled with surprises.

we hung out friday afternoon. he told me he'd come by for dinner after work and that he would be a little late. i was panicking when i finished with my shower and saw the message. he's been waiting for almost an hour. they got off work early. i was happy, we got to hang out longer, a week is too long. hehe. mush.

saturday, my cousins came and it was a riot, as always. my mom got me a gift that i actually liked. hehe. joke lang, Ma. checked friendster and saw the pic and the caption. heehee. that made my night.

sunday afternoon, my dad came home from Malaysia. just for the week. i had a hunch that he was coming. as i'm writing this, i am actually in hiding from all the chaos that's happening outside my room. i might get in the middle of all the teasing again and i've run out of comebacks. hehe.

i've told someone last night that this year's christmas is probably one of the best christmases (?) i've had since birth. now you know it's true... so don't doubt the things i told you after that. hehe.

Wednesday, November 16

November 15, 2005

haha. late na kasi itong post na 'to. takte, naaliw kasi ko masyado eh, di ko tuloy naisip na pwede ko pala ilagay sa blog ko. hehe.

basta, masaya 'yang araw na iyan. di ko nga alam kung paano na lang nangyari 'yun... argh. basta. hirap naman maglagay ng kasiyahan dito ng hindi nagiging mushy. hahaha!

salamat kasi kasama kita. naks.

Sunday, November 13

Time to Flush

tulungan nyo nga ako mag-decide...

mga ilang weeks din na walang nagaganap sa blog na ito... wala lang. hindi na kasi ako gabi-gabi nakakapag-net eh. tulad nga ng sabi sa dati kong post, mahirap magsulat pag masaya ka. di naman dahil sa wala ka ng angst na kailangang ilabas, kundi dahil na rin wala ka na ring panahong magpakabum sa harap ng PC dahil nga busy ka sa mga bagay na nagpapasaya sa iyo.

binasa ko lang ulit 'yung mga entries ko. parang ang layo na kasi nung mga pangyayaring nakalagay dun, 'yung mga emosyon na nagtulak sa akin para magrant ng ganun kahaba. wala na nga akong maalala sa iba doon, at wala na nga 'yung dahilan ng pagbuo ko (noong una) sa blog ko. may mga naisusulat pa naman ako, malamang dahil may buhay pa naman ako... pero 'yun na nga. minsan mas gusto ko nalang magkwento sa tunay na buhay kaysa magblog. hehe.

kaya lang naisip ko 'yung pagod ko sa pagbuo ng blog ko. minsan na niyang kinain ang malaking parte ng araw ko. dumami na rin ang nakilala ko dahil sa pagblog. naging diary ko na rin siya ng mga kalokohan ko at kung anu-ano pa. napalipat na ako ng site, nagbago ng lay-out, naglipat ng entries na noong una ay di ko pa alam na puwede palang palitan ang dates (at di ko na rin pinalitan sa katamaran), nag-link, nag-tag, blah, blah, blah. bottomline, madami na akong nagawa para lang dito.

ngayon, ito ang conflict ko: panahon na nga ba para tumigil? isara na itong blog na ito? huhu. ano sa tingin nyo?

Friday, October 21

Masaya Lang Ako Today

ayun. masaya lang ako today. hehehe.

hindi naman ako puwedeng tumambling dito... takot ko lang na mabali likod ko sa bigat ng katawan ko. ngyahahaha. kaya sa blog ko na lang!

hindi ko naisip na mag-eenjoy ako ng sobra, lalo pa't todo na 'yung kabog ko kagabi.

at maaga akong ginising ng isang nilalang dahil sa pangungulit.

at pinipigsawat pa ako (check mo si bob ong kung di mo alam yan).

at muntikan na akong ma-divert dahil sa nawawalang buckle.

at muntik na ako masukahan ng bata sa fx.

hehe. pero kebs naman 'yan eh. dahil natuwa talaga ako. oks na una ito. hehe. one for the books!

Monday, October 17

Weirdo kong Insomnia

hindi ako makatulog. sakit ko na ito eh. basta mahaba-haba ang bakasyon, gaya ngayong sembreak, para akong may insomnia. hindi ako makatulog sa gabi. makuha ko man ang tulog ko ng mga madaling araw, hindi naman ako makatulog hanggang tanghali. 6 am nagigising na ako. 8 am na at the latest. buti sana kung marami akong naa-accomplish in the wee hours of the morning, but no... isa lamang akong tuod sa harap ng pc, nagsusulat sa blog. hay.
paggising ko naman, parang pagod na pagod naman ako. kakain, maliligo, chichika ng konti sa mga tao sa bahay para naman sabihin nilang hindi ako anti-social. mapapagalitan pa ako ng nanay ko, kasi nga minsan na lang ako pumirmi sa bahay, nakakulong pa ako sa kwarto ko madalas (hehe. mahal ako ng nanay ko eh!). so by lunch time, inaantok na ako, babalik sa kwarto ko, at matutulog.

paggising ko, gabi na. dinner ulit. pero siyempre, kung hyper na ako ng mga ganitong oras, ang mga tao naman sa amin, hindi mo maistorbo. hehe. tv time na 'toh eh. edi siyempre, harap naman ako sa pc, o kaya naman magbabasa na lang. sa susunod na mapansin ko na ang oras, madaling araw na. wala na naman akong magawa. edi mapapaisip nalang ako, haharapin itong blog ko at magsusulat ng kung anu-anong pumasok sa isip ko.
so ano na ang napala ko sa litanya kong ito? wala naman. gusto ko lang i-justify ang pagiging bum ko. kung maayos ko lang talaga 'yang sleeping problem ko na 'yan, magiging productive siguro bakasyon ko (not to mention, makakasama ako sa mga lakad at hindi ito matutulugan!). waaah!! tatlong araw pa lang ito... dalawang linggo pa bago ako bumalik sa kabaliwan ng mundo. nababagot na ako!

Saturday, October 15

Tsk... Friendster Let Me Down...

basically, isa ako sa iilang taong naaliw sa bagong features ng friendster. lalo na 'yung puwede mo nang ma-view kung sino ang tumitingin sa profile mo. c'mon! madami pa kasing hindi nakaka-discover nito, so malamang hindi nila alam na puwede kang mag-anonymous... at ang resulta? well, mabubuko ka lang naman ng taong nais mong ispottan! wahahahahahaha!!!!

evil... evil... evil...

at dahil natututo ako ng cyber espionage from my gurlfriend (ngehehehe) ginawan ko agad ng paraan para hindi ako ma-discover ng mga sangkatauhang iniispottan ko, at naging thankful dahil days before na-activate ang feature na ito, hindi ako nakakapag-open ng account ko. yebah!

at bilang lately na lang ulit ako nakakapag-net, ngayon ko lang ulit nakita ang mga bagong "fans" ko. so guess who i saw when i first opened my page a few days ago, nang nandito si gurlfriend ces...

ngyahahaha! hindi siya! mali ang iniisip nyo pero... uhmm... attached sa kanya. *wink* *wink*

natural, nag-gloat ako sandali, dahil hindi ko naman friend ang personang ito pero tinitignan niya pala ang profile ko. at never kong nakita ang sarili ko as a threat. so na-curious ako at nag-check ng profile nya, pero di ko puwedeng ma-view. siyet.

oh well, masaya pa rin ako dahil kailangan pa rin pala niya ako i-check paminsan-minsan... at ngayon ay alam ko nang ginagawa pala niya iyon! wahahahahaha!!

so kung down ako, as evil as it may sound, log in lang ako sa friendster para makita iyon at natutuwa na ako. hehe.

pero nang mag-log in ako kanina lang, nagulat ako. wala na ang "who's viewed me" portion ng friendster. tsk. tinanggal ng friendster ang natitirang kamalditahan ko. no no no. you let me down todo friendster. akala ko pa naman nagiging mas matapang na kayo.... (ngyahahaha! nagdrama ba?!)

bad friendster.

Friday, October 14

Huli Na 'To

kung ikaw nga ay nag-iisip, alam ko na ang iniisip mo. nope, hindi ito ang huli kong blog post. assuming ka naman kasi masyado. haha. ibang "huli" iyan. gusto mong malaman kung ano? wait ka lang diyan sandali at uumpisahan ko na...

ehem. ehem. game.

(obvious bang delaying tactics?! kasi naman medyo touchy pa ako tungkol dito)

nasabi ko na kasi ang mga dapat kong sabihin, tinapos na lahat ng dapat tapusin. iyon na siguro ang huling beses na magsasama kami ng ganoon. mukhang malabo na kasi na magkaroon pa ng pagkakataon na ibalik 'yung dati, madami na kasing komplikasyon. kahit pa gaano ka... uhmm... platonic (err.. for lack of a better term) iyong gusto naming mangyari, kailangang umiwas sa gulo eh.

hindi ko na sasabihin kung ano mga nangyari. gusto naming iwan na ito katulad ng kung paano namin siya inumpisahan, isang malaking sikreto. ibalato niyo na naman sa amin 'yung moment na 'yun. hehe.

malamang na-pick up mo na ang kalungkutan ko. at kung alam mo na talaga ang kwentong ito, alam ko na ang sasabihin mo. sa totoo lang, hindi ko inaasahang malulungkot ako ng sobra. matagal ko na kasing desisyon ito. hyped up na ako at sanay na ako sa ideyang wala nang balikan ito kapag nagawa ko na. pero nalungkot talaga ako. nasira ang aking "brave front." nanghinayang ako sa mga taon, sa mga pinagsamahan. alam ko namang tama ang ginagawa ko, at alam din niyang kailangan kong gawin iyon. siguro nagulat lang kami pareho. matagal kasi kaming hindi nagkita at ngayong magkaharap na kami, ayun.

parang ang sama ko tuloy. nung panahong iyon kasi, naramdaman ko na importante rin ako sa kanya. siya pa rin pala iyong taong kayang-kaya akong basahin. nakita ko kung paano niya pilit na inintindi ang mga sinabi ko. doon ko lang napatunayan, sa loob ng napakaraming taon, na nag-aalala pala talaga siya sa akin... na hindi rin pala niya gustong makita akong umiiyak. at nang sabihin niyang mahal niya ako, iyon na ang unang beses (in N years) na naniwala ako. nalungkot ako kasi parang ginagawa ko rin sa kanya iyong ginawa niya sa akin noon.

(alam ko, dapat naman talagang gawin ko iyon, pero nang mawala ang lahat ng nega sa dugo ko, na-realize ko ang evil ko)

nalungkot din ako kasi lahat ng ginawa niya nung nagkita kami, lahat ng sinabi niya, lahat ng pinadama niya sa akin, wala nang saysay. huli na talaga. hindi na ako babalik.



**
feel ko na ang pagalit ng friends... hehe. don't worry, ngayon lang ito. phase lang. kailangan ko lang ilabas 'yan and i'll be okay in.... uhmmm... pag na-publish ko na 'to! haha. congratulations to me dahil hindi ako nag-back out. yeeey!

Thursday, October 6

More Than Just Coffee




















astig ng concept board namin 'noh?
gawa ni kuya andrew ni jobongga.
edited sa taralets sa tulong nina
ate malou. dun na-test ang pagka-
techno-bobo ko dahil linux ang gamit
nila. hay. hehe.

Underground... And Under A Lot of Happiness

grabe. now i can feel the sem's finally coming to a close. tapos na ang pinakamalaking terminal project na ginawa namin sa buong tanambuhay namin bilang HRIM students sa peyups.... ang feasib.

at guess what?! ang concept namin... ang UNDERGROUND... 3rd place! at bakit tuwang-tuwa ako? kasi naman, hindi talaga namin siya inaasahan. alam ko, lahat naman kami, gold ang gustong makuha pero nabubuhay naman kami sa mundo na tinatawag naming "realidad" at alam naman namin ang mga efforts, financial or otherwise, na pinapakita ng mga iba naming kaklase... todo na 'yun eh. kaya ang makakuha lang ng medalya for an idea na nag-umpisa lang sa tambayan, 30 minutes bago kailangang mag-pass ng concept... (sabi nga ni jopet) you jollibeekiddiemeal!!

nakakaiyak pa nun, kasi malaki ang kasalanan ko sa groupmates ko... teehee. late na kasi akong dumating sa presentation... kumusta naman 'yung 9am ang exhibit, 10am na ako nag-materialize?! hindi ko po iyon sinasadya, hindi iyon katamaran. if anything, it was a failure of my cramming abilities... este... of my printers' cramming capabilities pala. dapat ata, ang printer ko, 'yung ginagamit na nina ate malou sa taralet's para sureball ang printing ko. sa kalagitnaan ng pag-iyak ko dahil sa hindi ko na alam ang gagawin, sa pagtawag nila joboss at mon na hindi ko rin masagot dahil umiiyak ako, at sa pag-iyak ng groupmates ko dahil akala nila hindi na ako aabot... ay ninanag ako ng nanay ko na mag-almusal dahil wala pa raw akong tulog at baka ako mabangenge. well mother knows best at sana nga ay pinakinggan ko siya...

dahil sa pag-click lang ni manong photographer sa flash ay nawala na ang lahat ng nilalaman ng utak ko para sa aking five-minute pitch. nagising niya ang ulirat kong nasa steady state of bangagness. cool, calm and collected 'yun tas sa isang iglap lang, pinakabog ako ni manong.

at makakalimutan ko ba sa feasib na ito si ma'am catral?! haay... nagpumilit na may exam daw kami sa he 101 that day... dapat namin siyang ihabla dahil sa ginawa niyang deception sa amin!! biruin mo, ethics prof at ganun ang ginawa niya?! na-torture ang utak namin doon. wala namang exam. napa-charades pa kami eh hindi na nga gumagana mga utak namin. edi nakarinig si ma'am ng mga sagot na window-pane lovers, acting na wala lang, pagsayaw ng "kapag tumibok ang puso," at nasilayan si george, our very loveable GMO. dahil sa kanila hindi ko rin napanood ang intermission... at naputikan ang stockings namin ni mary sa aming paglusong sa ulan (in our pumps!).

well, lahat naman ng iyan, wala na sa amin. iba naman kasi 'yung kasiyahan na naramdaman naming lahat nang banggitin ni ma'am roscom ang pangalan ng concept namin. actually, disbelief nga iyon eh. naroon na 'yung sa kalagitnaan ng aking antok, at dahil ako ay on the verge of passing out, pagscoot over ko kay lala (reboot queen) para tanungin kung sino ang nag-third, nalaglag ako sa upuan ko, in my corporate highness and all. flat on my butt, sa harap ng buong che lobby. wala pa sa feasib mates ang tumulong dahil sa pag-aakala nilang punchline 'yun... grabe namang farce ito! hindi ganoon ang humor ko 'noh... sakit kaya sa balakang 'nun?!

at masaya rin ako para sa dairy dose!! yeyyy!!! dahil sila rhyan at jac ang kasama ko nung mga panahong kinailangan ko ng happiness at kabayo. haha. nagkatotoo ang mga hinala at kuro-kuro nating lahat. apir! uhmm!

hmmm... grabe na 'yun. masaya rin ako kasi marami rin pala sa mga "oldies" judges ang naniniwala sa concept namin.... at pati si scone!!! not much bitterness now... heehee. si ma'am roscom din na parang chika lang ang buong exhibit dahil sa kakalogan nya. kaya nga siguro nag-enjoy din kami kahit ngarag na.

at si manong ebe the guard!!! ngyahahahaha. na kahit na late na late na ako, nakuha pa akong pangitiin dahil sa sobrang bilib sya sa akin... adik talaga 'yun... sana nga siya na lang nagbigay ng medals namin. ngyahahaha!!!

groupmates, families, friendships, kuya marlon (the surname-less), mong, at ang kama kong matagal-tagal na rin akong namimiss.... todo salamat.

napakahaba na nito. late na rin. haha. malamang wala nang magbabasa nito. pero masaya ako kaya walang kokontra. haha.