Friday, May 13

'Di Na Ko Sinisipon

sinisipon ako kapag summer. every summer. regular na kagaguhan ng katawan ko 'to. feeling ko talaga nun ang pathetic kong tignan. tirik na tirik ang araw, sobrang init, usung-uso ang mga malalamig na pagkain at inumin, maya't maya may mag-aayang mag-swimming, pero lahat ng 'yan hindi puwede. sa loob ng bag ko tuwing papasok ako ay dalawang packs ng kleenex, isang banig ng no-drowse decolgen, isang boteng tubig na maligamgam (yuck), at plastic bags na panlalagyan ng "deposits" kapag wala akong makitang basurahan.

hindi tama ang magkaroon ng ganung sakit sa ganung panahon. fluke lang s'ya talaga ng sistema ko. ginugulo lang n'ya ang buhay ko, pinahihirapan akong pumasok sa class, mag-recite at sumagot ng exam na nakayuko (at jusko baka tumulo sa blue book ang uhog ko), pero hindi ko siya maalis. palagi siyang dumadating. kahit anong gawin kong pag-iingat para makaiwas. natutunan ko na rin siyang tanggapin sa buhay ko.

pero ngayon... second week na ng may pero wala pa ring sipon na dumadating. hindi ko na nararamdaman na magkakasakit ako. matatapos na ang summer at ang nag-iisang regular na nangyayari sa buhay ko (aside sa... ehem) ay hindi man lang nagparamdam. samantalang nung nakaraang taon, para kong gripo. nung pumasok pa kami sa chapel noon, imbes na magdasal ako, hindi ko maidahop ang palad ko dahil hawak-hawak ko ang isang pirasong tissue.

nakalagpas na yata ako sa phase na ito. hindi pala ito kasing-regular ng iniisip ko. katulad ng ibang mga bagay, kalaunan ay makakamtan ko rin ang pagbabago... o sa pagkakataong ito... ang kalayaan.

friday the thirteenth pala ngayon. ingat kayo ha.

No comments: