Friday, July 22

Magpapaalam na Sa'yo Ang Aking Kwarto*

madaling araw na, kakauwi pa lang natin, at kasalukuyan mong pinanonood ang ginagawa kong pagbukas sa aking kwarto. tinanggal mo ang sapatos mo, itinabi, at sinundan mo ko papasok.

natawa ka pa nga ng kaunti... tumambad kasi sa'yo ang sabog na estado ng kwarto ko.
pinagalitan mo pa ako dahil sa tanda kong ito, hindi pa rin ako marunong magligpit. iniwan muna kita saglit habang inaayos ko naman ang ipinunta mo roon.

nang tatawagin na kita, natigilan ako. nakatayo ka pa rin malapit sa kama ko, kahit na inayos ko na ang isang bahagi ng kama para makaupo ka. hinihimas mo ang laruan na nasa ulunan, nakilala mo pala. lumingon ka at nakita mo akong nakatingin sa'yo. nakangiti mong sinabi,

"tagal ko na palang hindi pumupunta dito, ano? naaalala ko tuloy 'yung dati 'pag dito lang tayo nakatambay..."

iniisip mo pala iyon. naupo ka sa kama, kinuha ang isang unan, at niyakap ito. kahit pala palitan ko ng pillowcase iyon, alam mo pa rin. siguro halata na laspag na siya dahil lagi ko siyang niyayakap, kaya mo siguro nakilala.

tumabi ako sa'yo at nahiga tayo. napaisip din tuloy ako. paano nga ba tayo noon? ano nga ba ginagawa natin dito? naaalala ko na... pero parang iba na sa pagkakaalala ko noon.

ilang araw ang lumipas, ginugulo pa rin ako ng mga tanong. at sa paggising ko isang araw, nalaman ko ang sagot.

hindi ko na maalala 'yung nararamdaman ko noon kapag kasama kita.

matapos ang mahabang panahon, nakalimot na nga ako.

hindi ko lang inaasahan na malungkot din pala ang mag-move on.

* si ces kasi, nag-quote ng "kwarto..." hehe.

1 comment:

rach said...

haay... sana lang natapos ko talaga ng tunay... para kasing open pa rin eh... hindi ko nasabi na ganito na... paano kaya 'yun?