Saturday, April 16

Anong Sabi Mo?!

naranasan mo na ba 'yung pakiramdam na parang may narinig ka pero wala namang indikasyon na sinabi sa'yo iyon? 'yung alam mong may sinabi nga siya pero hindi mo naman sigurado kung tama ang rinig mo. hindi naman kasi biglang tumitigil 'yung pag-uusap niyo. parang imahinasyon mo lang. sobrang hina kasi. baka nga dighay lang 'yun.

ang masama pa, hindi mo maitanong. hindi mo maipaulit. baka kasi sabihin niya feeling ka. kasi 'yung akala mong narinig mo, mga salitang magpapasaya sa'yo... mga salitang matagal mo nang inaasam na sabihin niya.

Monday, April 11

Nung Minsang Kami ay Mag-3 o' Clock Habit

nagising siya sa pag-vibrate ng telepono niya malapit sa kanyang ulo. tinignan niya ang kanyang relo. alas-tres ng umaga. mas maaga siya ngayon kaysa nung mga nakaraang pagtawag niya. isang oras pa lamang ang itinutulog niya pero okay lang. sanay na siya sa pagtawag niya sa madaling araw. ito nga madalas ang dahilan ng pagkabangag niya kinabukasan pero ayos lang, ganitong oras lang kasi siya maaring tawagan. at alam naman niyang hindi siya mababagot sa pag-uusap nila. agad niyang sinagot ang telepono.

katulad ng dati, tinanong muna siya kung nakatulog na ba ito. nagkamustahan. maya-maya ay natahimik silang konti. hindi niya kasi inaasahan ang pagtawag niya. hindi niya alam ang sasabihin. nang magtatanong na siya ay bigla itong natigilan... nag-uumpisa na ang kanyang litanya.

masama kasi ang loob niya kaya siya tumawag. nakainom pa ito. hindi na niya mapigil ang pagsambit nito ng galit niya... sa mga kaibigan niya, sa pamilya, sa situwasyon niya ngayon. nakatitig lamang siya sa kisame habang ibinabato niya sa kanya ang lahat ng gumugulo sa isipan niya. may mga pagkakataong magsasalita siya, susubukang aluhin siya. may mga pagkakataon namang mapapatahimik niya ito, pero may panahon din namang ayaw niyang magpaamo. gusto niya kasing ipaintindi sa kanya ang lahat ayon sa pagkakaalam niya. pero kahit ganoon, hindi pa rin siya tumitigil. ang gusto lang naman ay maihinga niya sa kanya lahat ng problema niya. iparamdam sa kanya na mayroon pa rin siyang kakampi.

matapos ang halos tatlong oras na "pagsusumbong" medyo umayos na rin ang lagay niya. hindi na siya masyadong galit. pumayag na rin ito sa ibinigay na payo sa kanya. tumahimik ulit ang linya. napangiti siya. siya naman ang magkukuwento. madami rin kasing nangyari sa kanya mula ng huli silang mag-usap. siguradong makakalimutan niya panandalian ang mga hinanakit niya sa mga masasaya niyang kuwento.

pero hindi na siya binigyan nito ng pagkakataon. nagpasalamat na ito sa kanya. siya lang naman kasi ang napagsasabihan niya ng lahat ng mga ito.

at ibinaba na niya ang telepono.

sandali siyang napatanga. iyon lang pala ang dahilan. kinailangan lang niya ng karamay. oo nga pala, wala kasi dito ang kabarkada niya. napabuntong hininga siya. buong akala niya kasi ay hindi na ulit mangyayari ang ganoon. pinikit niya ang kanyang mga mata, umaasang aanurin ng antok ang kalungkutang nanganganib na dumaloy sa kanyang mga pisngi.

huli na ang lahat. naisip niya, hindi nga talaga dapat siya umaasa.

Wednesday, April 6

It's Good to be Bad

last weekend na siguro ang pinakabaliw na sem-ender na na-experience ko. hindi lang naman dahil sa dami ng alcohol na nilaklak namin, kundi dahil na rin sa mga pangyayari ng gabing iyon na nagpaisip sa akin ng konti.

at dahil napag-isip ako, ito na ang wish nila xenia (opo, update na ito).

madami kasi sa mga kaibigan ko noon ang nagsabing nagbago na nga ako. malayo na raw sa batang nakilala nila noon na wala pang kamuwang-muwang. ibang-iba na sa nakagisnan naming "lifestyle" nung mga panahong iyon. madami pa rin kasi sa kanila ang hindi nagbago, isa lang ako sa ilang tumiwalag sa stereotypes na kahit anong pilit naming itanggi ay nabubuhay pa rin sa mundo namin.

oo nagbago nga ako, pero hindi naman ganoon kalaki. sabihin n'yo nang defensive ako pero hindi talaga. noon pa man ay ganito na ako, at alam nila iyan. hindi lang kasi gaanong nakikita kasi palagi akong nasa isang grupo, o isang relasyon (depende kung anong era ang pinag-uusapan Ü) at meron silang mga "expectations" kung paano ako kikilos, kung anong sasabihin ko, anong gagawin ko, anong hitsura ko, o anong magugustuhan ko. noon pa man, hindi na naman ako masyadong sumusunod dito, pero ingat ako na huwag magkamali, at baka mahusgahan ako at maging outcast for the rest of my adolescent existence. nang makaalis ako doon, naramdaman kong malaya na ako, malayo na sa mundong kinagagalawan ko noon at may bago nang yugto. mahal ko naman ang mga taong nakasalamuha ko doon, at hindi ko ikinakaila ang pagiging tulad din nila nung mga panahon na iyon (dahil naging masaya rin naman ako), pero mas malakas na ngayon ang pagnanais ko na maging ako. wala na kasing image na iisipin. makakapagsabi na ako ng kahit anong maisip ko. maari nang gawin ang mga bagay na noon ay itinatanggi kong ginagawa ko. ngayon, wala na akong iniisip na huhusga sa akin, o ikukumpara sa ibang taong nakakasalamuha ko.

bakit ko naisip itong bigla?


nakita ko kasi kung paano nagpakawala ang ilan sa mga kakilala ko last weekend. parang napakatagal na nilang nagpipigil, nagtatago. nakakatakot nga lang, kasi nang makawala na sila, hindi na sila mapigilan. sumobra naman yata. kilala ko ang mga taong ito at kahit papaano ay alam ko ang mga kuwento nila. mababait. matatalino.hindi makabasag pinggan...

haayy... talaga nga namang it's good to be bad.



*in memory of the 2005 semender specials

no offense sa mga batang nalango nang gabing iyon... alam n'yo na sana iyan (lalo na si kabiit). DB's alam ko naintindihan nyo ito... kahet konti. hehe