hehe.
puwede na pang-postcard. tower kaya ni quasimodo 'yan!
so i went back to work on tuesday. and it was just me. i hardly got enough time to think because of the sheer volume of people booking treatments. since ms. angie (that's my momma boss) won't be reporting till monday, i had to handle everything by myself. which leads me to my rants right here.
*filipino na ito para mas dama*
isipin mo na lang kung gaano ako kaburaot na pakialamanan ng isang manager, na di ko naman talaga boss, ang trabaho ko at ng buong staff ng spa. nakakahalata na ko na sinasamantala niya na wala si ms. angie, wala si sir nino, at wala ako para makapag-take over sa department namin. kahapon lang ay naabutan ko siyang nagpapa-interview tungkol sa spa, naiinggit ba nang manghingi ng interview sa akin 'yung writer?! ang feeling talaga, when in fact, magkasunod lang kami ng ranggo, at sa ibang department siya. hinahanapan pa niya ng butas ang pagpapatakbo namin. at kung puwede siyang gumawa ng kuwento, gagawan niya.
pero ang di ko talaga gusto ay ang pagmamaliit niya sa akin. unang-una, tingin niya ba tanga talaga ko para sumunod sa kanya sa isang text lang at ituro ang mga docs namin sa spa ng wala naman ako doon? at idinaan pa sa ibang tao ang pasabi sa akin! kung tingin niya siya lang ang may konsepto ng control, ibahin niya ko. may authority din naman akong hawak, kahit kapiranggot lang. at gagamitin ko yun hindi para mag-power trip, kundi barahin siya at pigilan na lugihin ang dept namin.
pati kakayahan ko na i-handle ang department ko, na-demean niya sa pagsabing tumawag lang ako ng recep sa dept nya kung kailangan ko ng tulong. pucha, di ako helpless (at tanga, once again) para humingi ng tulong sa taong alam kong walang idea sa trabaho namin. ilang araw ba na ako lang ang frontliner? na wala ang manager? at madaming guests? di nga ko nangarag kahit na may inaayos pa sa office. wala akong maisip na situation na di namin naayos pag ako ang in charge. at kung hihingi man ako ng tulong, bakit pa ako lalayo? may mga tao naman sa amin na puwede. at naunahan ko na siya sa "cross-training" idea niya, dahil na-train ko na karamihan ng therapists namin para tumao sa recep... mas magaling pa sa mga kinuha niya kung saan.
pero ang last straw, na muntik na maging sanhi ng pag-develop ko ng hypertension, ay ang sinabi niya kahapon. gabi na ako nag-break dahil di ako makaalis hanggang di pa umaalis yung taga-magazine. wala pa kong 30 minutes na nakaupo sa pantry ay pumasok ang isang attendant sa amin at sabihin na hinahanap daw ako ng manager na 'yun. nang sabihin nila na nasa pantry ako, ang sinagot niya:
kung iniisip niya na nasisindak niya ako o naiinis na niya ko para umalis, nagkakamali siya. kung pagbintangan niya kong subversive, ayos lang. UP ata to. hehe. di ako ang yuyuko para makuha niya gusto niya. wala nang seniority ano. wala ring connections. alam ko naman na tama ako.
buti na lang may bago kong favorite.... Prison Break! thanks to pea for introducing this to me... and manong dvd for selling both seasons! hehe. ayan. na-hook na ko...