Tuesday, January 10

Kahilingan Listahan (korni)

birthday ko na bukas! whoopee. hehe. astig pa kasi walang preprac. again. pwede akong magpaka-bum lang the whole day! wahahahaha!!!
naisip ko, since wala akong magawa... gagawa rin ako ng wishlist. naks. problema lang, wala kong maisip na gusto... hehe.
  1. bagong phone: yep, na naman. kasi naman ano, binuhay ng telepono ko ngayon ang pagkainis ko. sa kalagitnaan ng pag-sesend ng message, bigla na lang namamatay! kay bagal pa ng pagtetext dahil slow utak ng cellepono kong ito. gusto ko na magbalik loob sa ericsson. hay. this is what i get for listening to blasted sales talk. tsk. dapat ata maging mas aware sa cellphone matters. haha.

  2. bed: nakuh. ang dahilan lang nito? kasi pag nagwawala kami noon dito sa kwarto ko noong series, o catering, o feasib, o thesis, o kahit wala lang, tambay lang, may napapatalon sa kama. hehe. sira tuloy. isa pa, tagal na ng kama ko... since gradeschool pa yata eh. kailangan nang palitan... kaunti na lang malapit ko nang malakihan 'to eh.

  3. cd writer: tama bang term 'to? medyo techno bobo eh. kasi naman, kay dali nasira nung combo. effort tuloy mag-burn ng files sa cd kung galing sa puter ko.... lipat ko pa sa puter ni father dear sa kabilang kwarto. hay.

  4. sandalyas/ tsinelas: hehe. wala lang. obsesyon ko na yata ito. pero sabagay... napabili ako ng sandalyas kanina ng di oras. kasi naman, isa na nga lang ang klase ko kanina, 4th floor pa ito, ginawa ko pa ang may pagka-weird na assignment, at nag-taxi pa ko (dahil late na) tapos walang pasok. shet. para mawala ang inis... bumili na lang ako ng sandalyas. yebah.

  5. books: matagal na akong di nakakabili ng libro na for leisure reading lang talaga. maalala ko pala... 'yung mga librong pinahiram ko noon pa, hindi pa bumabalik... huhu. makikita ko pa kaya sila? nalalagas na ang aking munting library. hehe.

  6. printer: oo nga pala! ang printer ko ay naghihingalo na... hehe. kitang-kita naman sa pangyayari noong feasib. sana mapalitan na... (pati pc na rin... hehe. o kahit bagong hard drive lang. 'yung sabi ni mervs na 80gb yata. hehe)

  7. booze bakasyon: hahaha! saya sana nito. tulad nung mga antipolo nights dati... na wala nang near-death experiences. haha. oh well... dito na lang yan sa bahay para mas safe. =D

wala na ko maisip eh... karamihan yata diyan kailangan lang kasi. di ako ma-gift na person... ewan ko ba. basta gusto ko lang maging masaya ako sa birthday ko... at maka-graduate na! hahaha.

besides, wala ka rin naman siguro balak na tuparin yan. haha.

No comments: