2006 na. naks. ilang araw na lang twenty na ko.
yep, you heard it right. none of the pa-cute teen effect for me. sa tunay na buhay lang, masyado kong malaki para magpacute at kailangan ko na lang tanggapin ang pangyayaring ito. oh yeah. spoken like a true... errr... adult?! haha!
shet! excited na ko sa birthday ko!!! senglotan na 'to mga tsong!! (ayun. nawala ang maturity.)
ano ba ang mga madalas na ilagay sa mga new year post? new year's resolution? hmm... wala naman ako nito eh. di ko rin naman kasi nasusunod. year in review? naku, medyo boring yata ito. kasi majority ng taon ko eh sa school lang naman talaga nakatuon. kung meron namang mga bagay na kakatuwa o kagimbal-gimbal na naganap nitong nakaraang taon, malamang naisulat ko na rin iyon dito. ano pa ang saysay ng year-end review ngayon?
sabihin ko nalang kaya kung ano nangyari nung huling araw ng 2005. eherm. the last day in review. shet.
naglinis ako ng kwarto. walang biro. alam ko lagi ko na lang sinasabi na maglilinis ako ng aking kwarto (na punong-puno ng galit at damit... ayyangkorni.), pero ngayon ko lang talaga nagawa 'yung todo linis na ito. isa lang ang napagtanto ko- ang "kalat" ko ay hindi ko talaga kalat. may bookshelf akong hindi ko naman libro ang nakalagay. may mga labahing karamihan ay di naman akin, may cabinet akong sarili pero lagpas kalahati nun ay hindi naman ginagamit na, at hindi akin. hay. ang aking kwarto ay hindi talaga kwarto. isa siyang bodega. at nagiging dagdag lang sa kalat ko ang binili ni Ma na storage bins para sa gamit kong "ikinakalat" ko raw. hay.
bugnutin din pala ako. ayan. nagulat ako diyan. at pag bad trip na pala ko, naaaliw akong maglakad-lakad mag-isa. kaya pumunta ako ng sm. nag-away pa kami ng kapatid ko dito kasi sasama sana siya para makipagkita sa boylet niya. pero dahil wala ko sa mood makipagkulitan, iniwan ko siya. sorry, jen.
okay naman maglakad sa mall noon. sa bilihan lang ng cakes sobrang madaming tao. pati sa grocery. may binili lang naman ako sa bookstore at bumili ng doughnuts sa dots. nawala yata sungit ko dun sa bata na nakasalubong ko. ang cute kasi. tapos nakatingin siya sa akin. nakangiti at kinakawayan pa ako. tinignan ko pa nga nanay niya dahil baka kilala ko, di naman. napangiti tuloy ako. kasi tuwang-tuwa sa buhay niya 'yung bata eh. parang di naman tama na sumimangot ako at sirain 'yung araw niya.
pag-uwi ko, nag-net ako sandali. tapos nautusan akong bumili ng last minute supplies. heeh. daming tao sa cherry. bumalik 'yung inis ko dun. kasi naman muntik na ko maatrasan dun. eh di naman bumubusina whatsoever 'yung lalaki. paglabas niya ng sasakyan, ang angas pa. bling bling sa porma at utang na loob ang pabango! na-suffocate yata ako. hrmph.
pinagawa ako ng garlic bread. ermmm... medyo oks na ko nito kasi naaalala ko pag function. garlic bread maker na yata ako forever sa kitchen noon, kahit di naman ako production. haha. nawala 'yung stress ko sa epal na mamang 'yon.
nanood na ko ng tv pagkatapos. nagtago sa isang sulok para kainin 'yung pulutan na naitakbo namin ni Ma (inihaw na tuna belly. yum) at hinintay ang 2006.
ayan. ayan na 'yung last day ko ng 2005. inis-okay lang. hehe.
at 'yung nangyari kanina...
first day ng classes....
wala.
as in walang naganap. walang klase. period.
futile ang aking efforts na maging mabait na estudyante ora mismo.
kinausap ko na lang ng heart-to-heart si manong ebe. at na-open up na niya sa akin ang kaniyang nakaraan. hehe.
tapos, pumunta na naman akong sm para mag-lunch. alone. isa pang paboritong gawain. kasi wala nang nanonood sa'yo habang kumakain ka. walang pakialamanan kung matakaw. pero napansin ko kanina, dahil sa jumbo japs ako kumain, hindi na ako kasinglakas ng dati. gutom na gutom na ako kanina ha, dahil hindi ako nag-almusal. hmm... napatunayan ko tuloy na talaga ngang matakaw ako by association. especially when i am associated with ces. hahahaha!
tapos umuwi. nanood ng tv. napaisip ng kwarto ko (na susunod ko na talagang gawan ng entry ang issue na ito). nagbasa. at ngayon, ito. ginagawa ka.
mahaba na rin pala ang unang post ko ngayong taon. di ko mahanap na 'yung point ko. wala naman yata siyang sense. hmmm... pero 'yun na nga rin 'yung sense ata nun. basta. susunod ko naman na explain 'yun.

No comments:
Post a Comment