Tuesday, January 10

Kahilingan Listahan (korni)

birthday ko na bukas! whoopee. hehe. astig pa kasi walang preprac. again. pwede akong magpaka-bum lang the whole day! wahahahaha!!!
naisip ko, since wala akong magawa... gagawa rin ako ng wishlist. naks. problema lang, wala kong maisip na gusto... hehe.
  1. bagong phone: yep, na naman. kasi naman ano, binuhay ng telepono ko ngayon ang pagkainis ko. sa kalagitnaan ng pag-sesend ng message, bigla na lang namamatay! kay bagal pa ng pagtetext dahil slow utak ng cellepono kong ito. gusto ko na magbalik loob sa ericsson. hay. this is what i get for listening to blasted sales talk. tsk. dapat ata maging mas aware sa cellphone matters. haha.

  2. bed: nakuh. ang dahilan lang nito? kasi pag nagwawala kami noon dito sa kwarto ko noong series, o catering, o feasib, o thesis, o kahit wala lang, tambay lang, may napapatalon sa kama. hehe. sira tuloy. isa pa, tagal na ng kama ko... since gradeschool pa yata eh. kailangan nang palitan... kaunti na lang malapit ko nang malakihan 'to eh.

  3. cd writer: tama bang term 'to? medyo techno bobo eh. kasi naman, kay dali nasira nung combo. effort tuloy mag-burn ng files sa cd kung galing sa puter ko.... lipat ko pa sa puter ni father dear sa kabilang kwarto. hay.

  4. sandalyas/ tsinelas: hehe. wala lang. obsesyon ko na yata ito. pero sabagay... napabili ako ng sandalyas kanina ng di oras. kasi naman, isa na nga lang ang klase ko kanina, 4th floor pa ito, ginawa ko pa ang may pagka-weird na assignment, at nag-taxi pa ko (dahil late na) tapos walang pasok. shet. para mawala ang inis... bumili na lang ako ng sandalyas. yebah.

  5. books: matagal na akong di nakakabili ng libro na for leisure reading lang talaga. maalala ko pala... 'yung mga librong pinahiram ko noon pa, hindi pa bumabalik... huhu. makikita ko pa kaya sila? nalalagas na ang aking munting library. hehe.

  6. printer: oo nga pala! ang printer ko ay naghihingalo na... hehe. kitang-kita naman sa pangyayari noong feasib. sana mapalitan na... (pati pc na rin... hehe. o kahit bagong hard drive lang. 'yung sabi ni mervs na 80gb yata. hehe)

  7. booze bakasyon: hahaha! saya sana nito. tulad nung mga antipolo nights dati... na wala nang near-death experiences. haha. oh well... dito na lang yan sa bahay para mas safe. =D

wala na ko maisip eh... karamihan yata diyan kailangan lang kasi. di ako ma-gift na person... ewan ko ba. basta gusto ko lang maging masaya ako sa birthday ko... at maka-graduate na! hahaha.

besides, wala ka rin naman siguro balak na tuparin yan. haha.

Saturday, January 7

...

sometimes you just have a gut feeling that something bad is about to happen. but you can't really do anything. how could you, when you don't even know what it is?

it has been gnawing at me all afternoon. i thought i was just feeling sick because i had too much junk to eat during what would probably pass as "lunch" at four in the afternoon. after a few hours, i wasn't feeling as full. i didn't feel any better. i recognized dread.

the evening came and went, but nothing happened, really. so i just didn't bother with it anymore, had no reason to anyway...

until now.
(50th post ko na pala ito. heeh. *claps*)

Monday, January 2

new year gibberish

2006 na. naks. ilang araw na lang twenty na ko.

yep, you heard it right. none of the pa-cute teen effect for me. sa tunay na buhay lang, masyado kong malaki para magpacute at kailangan ko na lang tanggapin ang pangyayaring ito. oh yeah. spoken like a true... errr... adult?! haha!

shet! excited na ko sa birthday ko!!! senglotan na 'to mga tsong!! (ayun. nawala ang maturity.)

ano ba ang mga madalas na ilagay sa mga new year post? new year's resolution? hmm... wala naman ako nito eh. di ko rin naman kasi nasusunod. year in review? naku, medyo boring yata ito. kasi majority ng taon ko eh sa school lang naman talaga nakatuon. kung meron namang mga bagay na kakatuwa o kagimbal-gimbal na naganap nitong nakaraang taon, malamang naisulat ko na rin iyon dito. ano pa ang saysay ng year-end review ngayon?

sabihin ko nalang kaya kung ano nangyari nung huling araw ng 2005. eherm. the last day in review. shet.

naglinis ako ng kwarto. walang biro. alam ko lagi ko na lang sinasabi na maglilinis ako ng aking kwarto (na punong-puno ng galit at damit... ayyangkorni.), pero ngayon ko lang talaga nagawa 'yung todo linis na ito. isa lang ang napagtanto ko- ang "kalat" ko ay hindi ko talaga kalat. may bookshelf akong hindi ko naman libro ang nakalagay. may mga labahing karamihan ay di naman akin, may cabinet akong sarili pero lagpas kalahati nun ay hindi naman ginagamit na, at hindi akin. hay. ang aking kwarto ay hindi talaga kwarto. isa siyang bodega. at nagiging dagdag lang sa kalat ko ang binili ni Ma na storage bins para sa gamit kong "ikinakalat" ko raw. hay.

bugnutin din pala ako. ayan. nagulat ako diyan. at pag bad trip na pala ko, naaaliw akong maglakad-lakad mag-isa. kaya pumunta ako ng sm. nag-away pa kami ng kapatid ko dito kasi sasama sana siya para makipagkita sa boylet niya. pero dahil wala ko sa mood makipagkulitan, iniwan ko siya. sorry, jen.

okay naman maglakad sa mall noon. sa bilihan lang ng cakes sobrang madaming tao. pati sa grocery. may binili lang naman ako sa bookstore at bumili ng doughnuts sa dots. nawala yata sungit ko dun sa bata na nakasalubong ko. ang cute kasi. tapos nakatingin siya sa akin. nakangiti at kinakawayan pa ako. tinignan ko pa nga nanay niya dahil baka kilala ko, di naman. napangiti tuloy ako. kasi tuwang-tuwa sa buhay niya 'yung bata eh. parang di naman tama na sumimangot ako at sirain 'yung araw niya.

pag-uwi ko, nag-net ako sandali. tapos nautusan akong bumili ng last minute supplies. heeh. daming tao sa cherry. bumalik 'yung inis ko dun. kasi naman muntik na ko maatrasan dun. eh di naman bumubusina whatsoever 'yung lalaki. paglabas niya ng sasakyan, ang angas pa. bling bling sa porma at utang na loob ang pabango! na-suffocate yata ako. hrmph.

pinagawa ako ng garlic bread. ermmm... medyo oks na ko nito kasi naaalala ko pag function. garlic bread maker na yata ako forever sa kitchen noon, kahit di naman ako production. haha. nawala 'yung stress ko sa epal na mamang 'yon.

nanood na ko ng tv pagkatapos. nagtago sa isang sulok para kainin 'yung pulutan na naitakbo namin ni Ma (inihaw na tuna belly. yum) at hinintay ang 2006.

ayan. ayan na 'yung last day ko ng 2005. inis-okay lang. hehe.

at 'yung nangyari kanina...

first day ng classes....

wala.

as in walang naganap. walang klase. period.

futile ang aking efforts na maging mabait na estudyante ora mismo.

kinausap ko na lang ng heart-to-heart si manong ebe. at na-open up na niya sa akin ang kaniyang nakaraan. hehe.

tapos, pumunta na naman akong sm para mag-lunch. alone. isa pang paboritong gawain. kasi wala nang nanonood sa'yo habang kumakain ka. walang pakialamanan kung matakaw. pero napansin ko kanina, dahil sa jumbo japs ako kumain, hindi na ako kasinglakas ng dati. gutom na gutom na ako kanina ha, dahil hindi ako nag-almusal. hmm... napatunayan ko tuloy na talaga ngang matakaw ako by association. especially when i am associated with ces. hahahaha!

tapos umuwi. nanood ng tv. napaisip ng kwarto ko (na susunod ko na talagang gawan ng entry ang issue na ito). nagbasa. at ngayon, ito. ginagawa ka.

mahaba na rin pala ang unang post ko ngayong taon. di ko mahanap na 'yung point ko. wala naman yata siyang sense. hmmm... pero 'yun na nga rin 'yung sense ata nun. basta. susunod ko naman na explain 'yun.