Monday, October 17

Weirdo kong Insomnia

hindi ako makatulog. sakit ko na ito eh. basta mahaba-haba ang bakasyon, gaya ngayong sembreak, para akong may insomnia. hindi ako makatulog sa gabi. makuha ko man ang tulog ko ng mga madaling araw, hindi naman ako makatulog hanggang tanghali. 6 am nagigising na ako. 8 am na at the latest. buti sana kung marami akong naa-accomplish in the wee hours of the morning, but no... isa lamang akong tuod sa harap ng pc, nagsusulat sa blog. hay.
paggising ko naman, parang pagod na pagod naman ako. kakain, maliligo, chichika ng konti sa mga tao sa bahay para naman sabihin nilang hindi ako anti-social. mapapagalitan pa ako ng nanay ko, kasi nga minsan na lang ako pumirmi sa bahay, nakakulong pa ako sa kwarto ko madalas (hehe. mahal ako ng nanay ko eh!). so by lunch time, inaantok na ako, babalik sa kwarto ko, at matutulog.

paggising ko, gabi na. dinner ulit. pero siyempre, kung hyper na ako ng mga ganitong oras, ang mga tao naman sa amin, hindi mo maistorbo. hehe. tv time na 'toh eh. edi siyempre, harap naman ako sa pc, o kaya naman magbabasa na lang. sa susunod na mapansin ko na ang oras, madaling araw na. wala na naman akong magawa. edi mapapaisip nalang ako, haharapin itong blog ko at magsusulat ng kung anu-anong pumasok sa isip ko.
so ano na ang napala ko sa litanya kong ito? wala naman. gusto ko lang i-justify ang pagiging bum ko. kung maayos ko lang talaga 'yang sleeping problem ko na 'yan, magiging productive siguro bakasyon ko (not to mention, makakasama ako sa mga lakad at hindi ito matutulugan!). waaah!! tatlong araw pa lang ito... dalawang linggo pa bago ako bumalik sa kabaliwan ng mundo. nababagot na ako!

2 comments:

Anonymous said...

hay. ako din bored. leche. bilis ng sembreak namin hahai! kaya eto ako din blogging. hindi naman ako mkpadgduty kase walang go-signal from faculty. shet. baka nde ako makagradweyt dahil sa lecheng cases na yan hay. ipagdasal mo ako. hihi. amishoo! _xyla_

rach said...

waaahh!!! xylitol (ayysiet sorry). kaya mo naman yan eh. you'll graduate on time... no matter how long it takes! ngyahahaha. joke lang dude. dahil dyan, wala kang excuse (sabi nga ni marvs) para hindi makipag-meet sa amin! hahaha. foundation chu na ulit sa sanlo ah. (wait lang, deja vu ito) kanta vox sa monday... waah!! kung hindi, guguluhin ka namin sa hospital! paramdam na kayo! huhu. mishoo too! mwahers!