Wednesday, December 28

Tawa Hanggang Umaga

bumabalik na naman ang pagiging nocturnal ko. di ako nakatulog hanggang mga alas-singko na siguro. madaling araw na pero gising pa rin ako, nakaharap sa PC. wala naman akong ka-ym. sumasagot ng survey para di mabagot sa kawalan. ang tanging kasama kong gising ay ang kapatid ko, wala rin naman siyang natutulong sa insomnia ko kasi sinusulit nila ng boyfriend niya ang unlimited.

naisipan ko tuloy na maglinis ng mga inbox ko. nang matapos ko na ang paglilinis ng e-mail ko (na wala rin naman kwenta, kasi super laki ng space sa gmail), naisip kong linisin din 'yung sa friendster ko. nakita ko ang message ni jonas sa akin noon pa, nakalagay 'yung link ng site nya. at doon na nag-umpisa ang laughtrip ko.

nakalagay kasi sa site niya 'yung mga corny jokes namin nung high school. madami na nga ata dun 'yung di ko na maalala 'yung sagot. at dahil madaling araw na, wala pa akong tulog, etc, etc, mabenta ang mga jokes na 'yun sa'kin. at pati na rin sa kapatid ko. may mga di pa nga kami ma-gets nung una eh.

share ko na rin 'yung iba (check n'yo 'yung link ni jonas sa sidebar kung gusto n'yo makita lahat).


Q: bakit si Jesus, laging maligaya?

A: kasi, He is the Masaya.


Q: bakit si Jesus hindi nauuhaw?

A: kasi, He is the King of the Juice

(sorry po. natawa talaga ko dito eh. )

Q: sinong hero ang sumasakay ng bus, jeep, mrt, tricycle, fx, etc?

A: edi si, pasaHERO


Q: anong pinag-aralan ni Tiger Woods nung college?

A: GOLF COURSE


A: gud murning, sir! tsik-in po kayu?

B: hindi, noy-pi.


Q: sa isang dyip, ilan ang driver?

A: anim


Q: there were 10 soldiers, 2 must die. how many were left?

A: nine


Q: saan kumakain ang mga bear?

A: sa BEAR-ger King!


Q: ang cat ay sa pusa, anong sagot?

A: kambing


Q: sinong artista ang maraming ngipin?

A: si ma-teeth de leon!


Q: sinong artista ang mas marami ang ngipin?

A: si edgar mor-teeth!


Q: sinong artista ang konti ang ngipin?

A: si paolo kon-teeth!


angkorni na noh? oh well, i guess you just had to be in that moment para maramdaman n'yo 'yung saya namin dahil sa corny jokes na 'yan.

*Happy Birthday, Marvi (corny joke queen) !!!*

Sunday, December 25

Christmas Post

(try ko lang mag-umingles ulit. nakakalimutan ko na yata kung paano eh. hehe)

even when i was little, i wasn't really too crazy about christmas. as far as i know, i never had any traumatic experiences during christmas so the reason behind my lack of enthusiasm for the season is still undetermined. don't get me wrong, i'm no grinch. i just don't find it as exciting as new year maybe. or my birthday (which is coming up in a few weeks, might i just add).

so i didn't think this year would be any different. i'd probably sleep through Noche Buena, if not zone out in front of the TV and eat the meal there. gifts? there's not a lot of it, since my birthday is just a few weeks after christmas. i was set for a quiet weekend.

i didn't expect it to be filled with surprises.

we hung out friday afternoon. he told me he'd come by for dinner after work and that he would be a little late. i was panicking when i finished with my shower and saw the message. he's been waiting for almost an hour. they got off work early. i was happy, we got to hang out longer, a week is too long. hehe. mush.

saturday, my cousins came and it was a riot, as always. my mom got me a gift that i actually liked. hehe. joke lang, Ma. checked friendster and saw the pic and the caption. heehee. that made my night.

sunday afternoon, my dad came home from Malaysia. just for the week. i had a hunch that he was coming. as i'm writing this, i am actually in hiding from all the chaos that's happening outside my room. i might get in the middle of all the teasing again and i've run out of comebacks. hehe.

i've told someone last night that this year's christmas is probably one of the best christmases (?) i've had since birth. now you know it's true... so don't doubt the things i told you after that. hehe.

Wednesday, November 16

November 15, 2005

haha. late na kasi itong post na 'to. takte, naaliw kasi ko masyado eh, di ko tuloy naisip na pwede ko pala ilagay sa blog ko. hehe.

basta, masaya 'yang araw na iyan. di ko nga alam kung paano na lang nangyari 'yun... argh. basta. hirap naman maglagay ng kasiyahan dito ng hindi nagiging mushy. hahaha!

salamat kasi kasama kita. naks.

Sunday, November 13

Time to Flush

tulungan nyo nga ako mag-decide...

mga ilang weeks din na walang nagaganap sa blog na ito... wala lang. hindi na kasi ako gabi-gabi nakakapag-net eh. tulad nga ng sabi sa dati kong post, mahirap magsulat pag masaya ka. di naman dahil sa wala ka ng angst na kailangang ilabas, kundi dahil na rin wala ka na ring panahong magpakabum sa harap ng PC dahil nga busy ka sa mga bagay na nagpapasaya sa iyo.

binasa ko lang ulit 'yung mga entries ko. parang ang layo na kasi nung mga pangyayaring nakalagay dun, 'yung mga emosyon na nagtulak sa akin para magrant ng ganun kahaba. wala na nga akong maalala sa iba doon, at wala na nga 'yung dahilan ng pagbuo ko (noong una) sa blog ko. may mga naisusulat pa naman ako, malamang dahil may buhay pa naman ako... pero 'yun na nga. minsan mas gusto ko nalang magkwento sa tunay na buhay kaysa magblog. hehe.

kaya lang naisip ko 'yung pagod ko sa pagbuo ng blog ko. minsan na niyang kinain ang malaking parte ng araw ko. dumami na rin ang nakilala ko dahil sa pagblog. naging diary ko na rin siya ng mga kalokohan ko at kung anu-ano pa. napalipat na ako ng site, nagbago ng lay-out, naglipat ng entries na noong una ay di ko pa alam na puwede palang palitan ang dates (at di ko na rin pinalitan sa katamaran), nag-link, nag-tag, blah, blah, blah. bottomline, madami na akong nagawa para lang dito.

ngayon, ito ang conflict ko: panahon na nga ba para tumigil? isara na itong blog na ito? huhu. ano sa tingin nyo?

Friday, October 21

Masaya Lang Ako Today

ayun. masaya lang ako today. hehehe.

hindi naman ako puwedeng tumambling dito... takot ko lang na mabali likod ko sa bigat ng katawan ko. ngyahahaha. kaya sa blog ko na lang!

hindi ko naisip na mag-eenjoy ako ng sobra, lalo pa't todo na 'yung kabog ko kagabi.

at maaga akong ginising ng isang nilalang dahil sa pangungulit.

at pinipigsawat pa ako (check mo si bob ong kung di mo alam yan).

at muntikan na akong ma-divert dahil sa nawawalang buckle.

at muntik na ako masukahan ng bata sa fx.

hehe. pero kebs naman 'yan eh. dahil natuwa talaga ako. oks na una ito. hehe. one for the books!

Monday, October 17

Weirdo kong Insomnia

hindi ako makatulog. sakit ko na ito eh. basta mahaba-haba ang bakasyon, gaya ngayong sembreak, para akong may insomnia. hindi ako makatulog sa gabi. makuha ko man ang tulog ko ng mga madaling araw, hindi naman ako makatulog hanggang tanghali. 6 am nagigising na ako. 8 am na at the latest. buti sana kung marami akong naa-accomplish in the wee hours of the morning, but no... isa lamang akong tuod sa harap ng pc, nagsusulat sa blog. hay.
paggising ko naman, parang pagod na pagod naman ako. kakain, maliligo, chichika ng konti sa mga tao sa bahay para naman sabihin nilang hindi ako anti-social. mapapagalitan pa ako ng nanay ko, kasi nga minsan na lang ako pumirmi sa bahay, nakakulong pa ako sa kwarto ko madalas (hehe. mahal ako ng nanay ko eh!). so by lunch time, inaantok na ako, babalik sa kwarto ko, at matutulog.

paggising ko, gabi na. dinner ulit. pero siyempre, kung hyper na ako ng mga ganitong oras, ang mga tao naman sa amin, hindi mo maistorbo. hehe. tv time na 'toh eh. edi siyempre, harap naman ako sa pc, o kaya naman magbabasa na lang. sa susunod na mapansin ko na ang oras, madaling araw na. wala na naman akong magawa. edi mapapaisip nalang ako, haharapin itong blog ko at magsusulat ng kung anu-anong pumasok sa isip ko.
so ano na ang napala ko sa litanya kong ito? wala naman. gusto ko lang i-justify ang pagiging bum ko. kung maayos ko lang talaga 'yang sleeping problem ko na 'yan, magiging productive siguro bakasyon ko (not to mention, makakasama ako sa mga lakad at hindi ito matutulugan!). waaah!! tatlong araw pa lang ito... dalawang linggo pa bago ako bumalik sa kabaliwan ng mundo. nababagot na ako!

Saturday, October 15

Tsk... Friendster Let Me Down...

basically, isa ako sa iilang taong naaliw sa bagong features ng friendster. lalo na 'yung puwede mo nang ma-view kung sino ang tumitingin sa profile mo. c'mon! madami pa kasing hindi nakaka-discover nito, so malamang hindi nila alam na puwede kang mag-anonymous... at ang resulta? well, mabubuko ka lang naman ng taong nais mong ispottan! wahahahahahaha!!!!

evil... evil... evil...

at dahil natututo ako ng cyber espionage from my gurlfriend (ngehehehe) ginawan ko agad ng paraan para hindi ako ma-discover ng mga sangkatauhang iniispottan ko, at naging thankful dahil days before na-activate ang feature na ito, hindi ako nakakapag-open ng account ko. yebah!

at bilang lately na lang ulit ako nakakapag-net, ngayon ko lang ulit nakita ang mga bagong "fans" ko. so guess who i saw when i first opened my page a few days ago, nang nandito si gurlfriend ces...

ngyahahaha! hindi siya! mali ang iniisip nyo pero... uhmm... attached sa kanya. *wink* *wink*

natural, nag-gloat ako sandali, dahil hindi ko naman friend ang personang ito pero tinitignan niya pala ang profile ko. at never kong nakita ang sarili ko as a threat. so na-curious ako at nag-check ng profile nya, pero di ko puwedeng ma-view. siyet.

oh well, masaya pa rin ako dahil kailangan pa rin pala niya ako i-check paminsan-minsan... at ngayon ay alam ko nang ginagawa pala niya iyon! wahahahahaha!!

so kung down ako, as evil as it may sound, log in lang ako sa friendster para makita iyon at natutuwa na ako. hehe.

pero nang mag-log in ako kanina lang, nagulat ako. wala na ang "who's viewed me" portion ng friendster. tsk. tinanggal ng friendster ang natitirang kamalditahan ko. no no no. you let me down todo friendster. akala ko pa naman nagiging mas matapang na kayo.... (ngyahahaha! nagdrama ba?!)

bad friendster.

Friday, October 14

Huli Na 'To

kung ikaw nga ay nag-iisip, alam ko na ang iniisip mo. nope, hindi ito ang huli kong blog post. assuming ka naman kasi masyado. haha. ibang "huli" iyan. gusto mong malaman kung ano? wait ka lang diyan sandali at uumpisahan ko na...

ehem. ehem. game.

(obvious bang delaying tactics?! kasi naman medyo touchy pa ako tungkol dito)

nasabi ko na kasi ang mga dapat kong sabihin, tinapos na lahat ng dapat tapusin. iyon na siguro ang huling beses na magsasama kami ng ganoon. mukhang malabo na kasi na magkaroon pa ng pagkakataon na ibalik 'yung dati, madami na kasing komplikasyon. kahit pa gaano ka... uhmm... platonic (err.. for lack of a better term) iyong gusto naming mangyari, kailangang umiwas sa gulo eh.

hindi ko na sasabihin kung ano mga nangyari. gusto naming iwan na ito katulad ng kung paano namin siya inumpisahan, isang malaking sikreto. ibalato niyo na naman sa amin 'yung moment na 'yun. hehe.

malamang na-pick up mo na ang kalungkutan ko. at kung alam mo na talaga ang kwentong ito, alam ko na ang sasabihin mo. sa totoo lang, hindi ko inaasahang malulungkot ako ng sobra. matagal ko na kasing desisyon ito. hyped up na ako at sanay na ako sa ideyang wala nang balikan ito kapag nagawa ko na. pero nalungkot talaga ako. nasira ang aking "brave front." nanghinayang ako sa mga taon, sa mga pinagsamahan. alam ko namang tama ang ginagawa ko, at alam din niyang kailangan kong gawin iyon. siguro nagulat lang kami pareho. matagal kasi kaming hindi nagkita at ngayong magkaharap na kami, ayun.

parang ang sama ko tuloy. nung panahong iyon kasi, naramdaman ko na importante rin ako sa kanya. siya pa rin pala iyong taong kayang-kaya akong basahin. nakita ko kung paano niya pilit na inintindi ang mga sinabi ko. doon ko lang napatunayan, sa loob ng napakaraming taon, na nag-aalala pala talaga siya sa akin... na hindi rin pala niya gustong makita akong umiiyak. at nang sabihin niyang mahal niya ako, iyon na ang unang beses (in N years) na naniwala ako. nalungkot ako kasi parang ginagawa ko rin sa kanya iyong ginawa niya sa akin noon.

(alam ko, dapat naman talagang gawin ko iyon, pero nang mawala ang lahat ng nega sa dugo ko, na-realize ko ang evil ko)

nalungkot din ako kasi lahat ng ginawa niya nung nagkita kami, lahat ng sinabi niya, lahat ng pinadama niya sa akin, wala nang saysay. huli na talaga. hindi na ako babalik.



**
feel ko na ang pagalit ng friends... hehe. don't worry, ngayon lang ito. phase lang. kailangan ko lang ilabas 'yan and i'll be okay in.... uhmmm... pag na-publish ko na 'to! haha. congratulations to me dahil hindi ako nag-back out. yeeey!

Thursday, October 6

More Than Just Coffee




















astig ng concept board namin 'noh?
gawa ni kuya andrew ni jobongga.
edited sa taralets sa tulong nina
ate malou. dun na-test ang pagka-
techno-bobo ko dahil linux ang gamit
nila. hay. hehe.

Underground... And Under A Lot of Happiness

grabe. now i can feel the sem's finally coming to a close. tapos na ang pinakamalaking terminal project na ginawa namin sa buong tanambuhay namin bilang HRIM students sa peyups.... ang feasib.

at guess what?! ang concept namin... ang UNDERGROUND... 3rd place! at bakit tuwang-tuwa ako? kasi naman, hindi talaga namin siya inaasahan. alam ko, lahat naman kami, gold ang gustong makuha pero nabubuhay naman kami sa mundo na tinatawag naming "realidad" at alam naman namin ang mga efforts, financial or otherwise, na pinapakita ng mga iba naming kaklase... todo na 'yun eh. kaya ang makakuha lang ng medalya for an idea na nag-umpisa lang sa tambayan, 30 minutes bago kailangang mag-pass ng concept... (sabi nga ni jopet) you jollibeekiddiemeal!!

nakakaiyak pa nun, kasi malaki ang kasalanan ko sa groupmates ko... teehee. late na kasi akong dumating sa presentation... kumusta naman 'yung 9am ang exhibit, 10am na ako nag-materialize?! hindi ko po iyon sinasadya, hindi iyon katamaran. if anything, it was a failure of my cramming abilities... este... of my printers' cramming capabilities pala. dapat ata, ang printer ko, 'yung ginagamit na nina ate malou sa taralet's para sureball ang printing ko. sa kalagitnaan ng pag-iyak ko dahil sa hindi ko na alam ang gagawin, sa pagtawag nila joboss at mon na hindi ko rin masagot dahil umiiyak ako, at sa pag-iyak ng groupmates ko dahil akala nila hindi na ako aabot... ay ninanag ako ng nanay ko na mag-almusal dahil wala pa raw akong tulog at baka ako mabangenge. well mother knows best at sana nga ay pinakinggan ko siya...

dahil sa pag-click lang ni manong photographer sa flash ay nawala na ang lahat ng nilalaman ng utak ko para sa aking five-minute pitch. nagising niya ang ulirat kong nasa steady state of bangagness. cool, calm and collected 'yun tas sa isang iglap lang, pinakabog ako ni manong.

at makakalimutan ko ba sa feasib na ito si ma'am catral?! haay... nagpumilit na may exam daw kami sa he 101 that day... dapat namin siyang ihabla dahil sa ginawa niyang deception sa amin!! biruin mo, ethics prof at ganun ang ginawa niya?! na-torture ang utak namin doon. wala namang exam. napa-charades pa kami eh hindi na nga gumagana mga utak namin. edi nakarinig si ma'am ng mga sagot na window-pane lovers, acting na wala lang, pagsayaw ng "kapag tumibok ang puso," at nasilayan si george, our very loveable GMO. dahil sa kanila hindi ko rin napanood ang intermission... at naputikan ang stockings namin ni mary sa aming paglusong sa ulan (in our pumps!).

well, lahat naman ng iyan, wala na sa amin. iba naman kasi 'yung kasiyahan na naramdaman naming lahat nang banggitin ni ma'am roscom ang pangalan ng concept namin. actually, disbelief nga iyon eh. naroon na 'yung sa kalagitnaan ng aking antok, at dahil ako ay on the verge of passing out, pagscoot over ko kay lala (reboot queen) para tanungin kung sino ang nag-third, nalaglag ako sa upuan ko, in my corporate highness and all. flat on my butt, sa harap ng buong che lobby. wala pa sa feasib mates ang tumulong dahil sa pag-aakala nilang punchline 'yun... grabe namang farce ito! hindi ganoon ang humor ko 'noh... sakit kaya sa balakang 'nun?!

at masaya rin ako para sa dairy dose!! yeyyy!!! dahil sila rhyan at jac ang kasama ko nung mga panahong kinailangan ko ng happiness at kabayo. haha. nagkatotoo ang mga hinala at kuro-kuro nating lahat. apir! uhmm!

hmmm... grabe na 'yun. masaya rin ako kasi marami rin pala sa mga "oldies" judges ang naniniwala sa concept namin.... at pati si scone!!! not much bitterness now... heehee. si ma'am roscom din na parang chika lang ang buong exhibit dahil sa kakalogan nya. kaya nga siguro nag-enjoy din kami kahit ngarag na.

at si manong ebe the guard!!! ngyahahahaha. na kahit na late na late na ako, nakuha pa akong pangitiin dahil sa sobrang bilib sya sa akin... adik talaga 'yun... sana nga siya na lang nagbigay ng medals namin. ngyahahaha!!!

groupmates, families, friendships, kuya marlon (the surname-less), mong, at ang kama kong matagal-tagal na rin akong namimiss.... todo salamat.

napakahaba na nito. late na rin. haha. malamang wala nang magbabasa nito. pero masaya ako kaya walang kokontra. haha.

Sunday, September 25

Kampai!


liquid happiness... haha.

Nang Mapag-Isip Ako ng Isang Notebook

mataray ba ako? talaga bang nakasimangot ako palagi noon? wala lang. bigla ko lang naalala. may nahalungkat kasi akong "love letter" ng kaklase ko nung high school sa likod ng notebook ko... sinulat namin noon, kapag nababagot na kami sa klase pero hindi naman pwedeng mag-usap.

nakalagay kasi doon na hindi niya ako gusto dati kasi mataray daw ako, basta, mahaba-haba pang litanya iyon pero 'yan na 'yung gist. may example pa siya na nung pinakilala daw siya sa akin, hindi ko raw siya kinausap o tinignan man lang. nagulat ako siyempre, kasi hindi ko naman maalala 'yun. tsaka lang daw nagbago 'yung opinyon niya sa akin nung magkasama na kami.

nalaman ko rin noon (sa pamamagitan naman ng kalasingan) na may mga panahong natatakot din ang nakaraan sa akin. hehe. hindi ko alam 'yun. kapag kasi hindi na raw ako umiimik, magtataray na raw ako sunod. hindi ko naman kayang magalit noon at alam niyang iyakin ako. nagulat talaga ako nang marinig ko rin 'yun. ewan ko na lang kung totoo.

tapos nasabihan na rin ako ng prof. sa totoong buhay lang, dalawang prof. napansin kasi nila na nakasimangot daw ako sa klase nila at tinatanong nila ako kung ano raw ang problema ko. ngek. bawal na bang magseryoso sa klase ngayon? nasermonan tuloy ako tungkol sa aging at wrinkles ng di oras.

may magagawa kaya ako para mawala 'yung "mataray image" ko raw?

hmmm...

ngayon, nakakagago na 'yung ngiti ko. baka naman may umangal pa. hahaha.


Wednesday, September 21

Rant sa Umaga

malapit na malapit na ang end ng sem na ito... pero parang wala pa akong nagagawang matino. para kasing mas naaalala ko pa 'yung mga paglabas-labas ko kaysa sa mga school work na natatapos ko. senioritis kaya? parang nung high school, nung 4th year na rin ako medyo nagpaka-slacker. huling hirit na naman kasi ito eh, enjoy na lang sana.

but no! hindi pwede ito. may thesis pa, may feasib, mga reports at exams na kailangan pang tapusin. ilang araw na lang natitira para maayos ko buhay ko (hehe) pero lutang pa rin. katulad ngayon, dapat nag-aaral ako for STS pero nagsusulat pa rin ako sa blog. adik. i need motivation!! huhuhu.

bad trip pa 'yung tagboard. pinapapalitan ni ces 'yung akin pero worse pa ang nangyari... ayaw mag-auto refresh. huhu. revert back to the usual blogger templates para maayos ko yan. hay. next time nalang. pipilitin ko nang mag-aral.

Thursday, September 8

I Drink Therefore I Am

how bored can i get? haha. sa kalagitnaan ng paggawa ng write up (sorry ces, wala pa akong nagagawa), nakita ko ito... try mo rin, lalo na kung isa ka sa mga drinking buds. hehe.


How to make a rach
Ingredients:

1 part jealousy

5 parts crazyiness

3 parts empathy
Method:
Layer ingredientes in a shot glass. Add a little cocktail umbrella and a dash of lovability




Monday, September 5

Bakeeet?!

wala akong maisulat!! waah. parang writer's block. nakukulapulan na ang utak ko ng kabalbalan!!! hahaha.

bakit mas madali magsulat pag hindi ka naaaliw sa buhay mo?

Monday, August 29

NYC 714

gusto ko lang i-immortalize ang plate number nung up-sm jeep na nasakyan ko kanina nung galing akong treehouse. wala kasi akong barya at na-shock si manong sa inabot ko. tapos binalik n'ya sa'kin ung pera at sinabing next time na lang. grabe the best si manong! hehe.

baka kasi makalimutan ko 'yung plate number nya. para makabayad naman ako pagsakay ulit.

Diary of a Bum Weekend

long weekend... whoop-de-doo!!

at siyempre, ano pa ang magandang gawin kapag ganitong mga panahon?

magpaka-bum! yipee!!

ito na ang breakdown ng mga pangyayari from friday hanggang ngayong umaga:

FRIDAY
7 am class, nagkwentuhan lang kami ni ais. pe, wala kaming partner ni sandra (2nd yr. hrim shiftee) at nagdaldalan lang kami habang tinuturuan si mark (kikay guy) at tinitignan ang kanyang contact prints (na-tibo ako sa creative shot). puntang sc for lunch... at naghintay forever kay ces habang ako'y naliligiran ng coupledom. haha.

balik che para makipag-meet for feasib, ended up consulting for thesis. nag-photo op sa kotse, soundtrip, at naghintay. sumama manundo bago umuwi... at na-bully na mag-cameo sa lib. haha. happiness nga raw.

hindi pa masyadong bum. pero nakatulog ako ng di ko namamalayan. paggising ko wala na 'yung dinner ko, at patay na lahat ng ilaw pati tv. hehe. bait talaga ni jeni!

SATURDAY
late (as always) sa STS. sagad ko na absences kaya di na ko pwede ma-late for the rest of the sem. wala pa si abe, kasabay ko sanang pumunta ng function ng class ni chef gene. nakipagpalitan ng corny superhero jokes kina jaimee at aids. inaabangan ko nalang ilabas 'yung attendance sheets for second period ng mga 10:30. but because si madcao ito, alas-dose na niya pinakalat ang attendance sheets. wah. hindi na ako nakaabot sa function. there goes my P 50 full course lunch.

head over to the tambayan. daming tao. nag-aya sina wean na manood ng game nina aissa sa pe. basketball. punta ng gym. pinanood si ais ma-foul out, magpalit ng jersey at makakuha pa ng 2 fouls ulit. haha. nanalo naman sila. nakita ang coach na kamukha ni jo aniban. na-disturb sa mga splitting actions ng pep squad na nag-rerehearse. dumating si jo at dumiretso na ng katipunan for lunch.

lunch at shakey's. nag-antay forever kay mau. bumalik ng starbucks. pinilit si mau na mag-drews hanggang sa maiyak-iyak na siya. weird, first time na narinig ko siyang mag-turn down ng session. tuloy pa rin kami: wean, ais, and me. alis kasi si wean ng sunday for bohol. nag-orgy kami twice sagot ni aissa dahil nga nanalo sila. medyo tumatama na kay wean kasi laugh trip siya the whole time. kumakanta kami ng spoof ng "the day you said goodnight" habang ang buong bar ay feel na feel ang kadramahan nito. heehee.

habol kina rye. birthday niya kasi. hard naman dito... i was reunited with empy. haha. dito ko lang ata naranasan na ang tagay ay kasing taas ng chaser... at mas mataas pa minsan! tinamaan kasi halo na ang drinks ko that night. punong-puno ang digicam ko ng pics na kinuha nina ces at kristan (?) ng mga lasing. hehe.

SUNDAY













sleepover kina ces!! hehehe. kung hindi ko pa nakita si teddy, sisigaw na ako kasi may naniniko sa akin sa kama. forgot to turn off my usual alarm so nagising ako ng 4 am. went back to sleep, woke up mga 8:30? can't really remember. hindi na wasted, yipee. breakfast at recount ng mga pangyayari the night before. laugh trip. chinika ako ng tatay ni ces. close na kami. took a picture of my feet na suot ang slippers ni ces. ang lapad nung slippers tsaka ang haba para sa akin. natisod ako. hahaha. pumunta kina aimee para manggulo at makitingin ng pictures. bumalik kina ces, nanood ng tv, kinilig, nagutom, kumain, nanood ng cooking show. ginutom. nag-photo op ulit. nag-siesta. kinilig ulit. nag-merienda. nangulit. natawa sa mga pictures...

at finally, uuwi na ako. naligo na at last at ako'y squeaky clean na. natulog ako mga 2 am na... tulog lang kasi ng tulog kina ces. hahaha. di tuloy ako inaantok.

MONDAY
ngayon na ito ah. hmm... hindi na masyadong bum kasi madami na ulit inaayos. he 101, feasib, thesis, may meeting mamaya, sulat sa blog. hay. balik na naman sa normal na buhay.

at diyan nagtatapos ang diary ng bum weekend. wah. nagugutom na ako.

Saturday, August 20

The STS Adventures!!

napaabsent ako ng di oras sa first half ng sts class ko kanina dahil sa isang ikot driver na hayok sa pasahero at walang konsiderasyon sa mga sakay na niyang fifty million years nang inaamag sa kakatanga. pagpasok ko ng cs audi ay natawa pa ang mga groupmates kong natira that day- si aids, jaimee, aib, gene, at coach dahil ako nga pinaka-late. mga ilang minutes na rin akong nakaupo nang tanungin ako ni jaimee:

"sino ba ang may dala ng powerpoint natin? si armi o si franz?"

omaigad. dun ko lang naalala na may exam nga pala si leader franz (sabay nauulinig ko pa ang sabi niya last meeting na "kayo na ang bahala sa report") at wala kaming nasabihang iba na magburn ng copy ng presentations dahil si franz ang laging nagdadala noon.

but i'm sure dala ni armi 'yun since siya ang in charge sa presentation this week. no need to worry.

dito na pinaalala ni aids na may exam din si armi that morning... at ilang reporters nalang kami na.

panic mode na ang buong group at dito namin napagdesisyunan ni jaimee na pumuntang lib at i-DL ang mga files from the e-group.

no prob until...

J: okay na. tara balik na tayo.
R: okay. *lakad* ang aga-aga napa-marathon nila tayo
J: *tigil lakad* shet... wala nga pala tayong masasakyan!!!
R: oo nga.
J: toki nalang tayo, kahit part of the way
R: ha?! jaimee, pareho lang naman ng route palabas ng cs ang ikot at toki eh.
J: ayy oo nga pala. sorry.

*toot toot*

msg: aids mlapit na tau. sna bumabalik nkau

J: oh shit *takbo*
R: no way. *takbo*
J: nababanyo pa ako
R: ngayon lang ako natuwa na makita ang cs
*hingal* *hingal*

nakarating kami ng cs ng matiwasay, with around five to ten minutes to spare bago kami magreport. and then sinabi ni MADCAO (read: madame caoili, hehe) na ibang group ang magrereport at idedevote ang natitirang oras sa kanila.

J & R: *mulat mata* @$&amp;amp;>:}!#_+&*<"?! NO WAY.

effort 'yun ha! at sa wakas, napapayag namin si ma'am na isingit kami.

pero wala rin masyadong use 'yung powerpoint dahil hindi kami nabigyan ng chance mag-set up at ang tagal mag-open ng files. nanghinayang tuloy si armi sa word art niya. hehe.

wala lang. kwento ko lang. bow.

Friday, August 19

Tigbak. Yebah.

Sleepless in Road 20

grabe na ang pagiging zombie for the past 48 hours... or 72 na nga ba? siet. tapos hindi pa ako makatulog ngayon dahil tirik na tirik ang araw at feeling ko isang pitsel na ng kape ang naiinom ko... wala nang saysay ang pag-aattempt kong umidlip.

nag-umpisa lang naman kasi ito sa isang usual na cramming session... na inabot na ng alas tres ng umaga dahil sa gurami, gilagid sa gilagid movie titles, editing, dl, at pictures ng cartoon characters (ehehe). isang oras lang halos ang tulog ko kasi may pasok pa ako ng alas siete ng umaga. wala naman akong napala sa pagpasok ko dun kasi laughtrip 'yung buong table namin. adik. hehe.

tapos marathon na-- from proposal presentation, editing, printing, at pag-pass ng reports. haggard. buti na lang at may incentive na gimik after. kaya lang kailangan kong mag-sorry kina ais at jo kasi hindi na kami nakasunod sa drews.... kahit na gusto ko ulit makita ang yummy bartender (ayon nga kay xen), wala na, isang orgy nalang ang kakayanin ng pera ko, at nang karamihan sa aming sasama sana.

at ang sumunod na pangyayari? ako, si rhyan, jeff, xenia, mitch, alma, at yakie ay umuwi sa aming bahay, dala-dala ang beer at extra joss, chichirya, at yelo upang magsession.

and for the very low price of P 500, nakapag-orgy kaming lahat ng ilang beses!

todo kulit ni mitch, parang wala nang happiness bukas. at si rhyan ay ginagawa ang best para maging isang miss minchin na tanggero. steady lang kami nina mayor at baka mabangenge kami ng di oras... pangit naman 'yun. at si yakie... well si yakie ay hilong hilo ng gabing iyon. at iniwan pa nya ang cellphone namin sa labas ng bahay. adik. hehe.

4 am na kami nagligpit (nagulat kami ni alma dahil akala namin magkakape lang sila pero natulog na ang mga bata) at sina rhyan at jeff ay natulog sa papag sa labas ng bahay (with the sound effects na parang god daw at nagpapakilala daw sa kanila ang ilaw).

wala pang dalawang oras ang tulog ko nang yugyugin ako ni yakie.

uwi na raw sila.

umaga na palang tunay.

laugh trip ulit. umuwi na si jeff. tas breakfast. tas umuwi na sila.

bumalik ako sa kwarto ko, nahiga, at pumikit. pero tirik na ang araw talaga. at may meeting daw mamaya. kaya huwag nalang.

isusulat ko na lang ang kabangagan ko.

Wednesday, August 17

Thesis It!!


Ang Semender Na Di Malilimutan


Sunday, August 7

Who Stole the Cookie from the Cookie Jar?!

lumabas ako kagabi kasama ang mga kaibigan ko from high school-- jopet, sheena, welmer, patti, pea, jonas, jeff, mark, at romeo. nanlibre kasi si jopet, may trabaho na kasi siya. nag-inuman kami, nagkwentuhan, nag-asaran, at nalasing (well, at least ako, si sheena, si weng, at si patti yata medyo makulit na. hehe). masaya naman, kasi over a year ko na yata hindi nakikita sina jonas at jeff... at lagi naman makulit pag magkakasama 'yung usual drinking club ng batch namin. ehehe. after nung inuman na naglabasan ng kaunti 'yung ibang kalokohan namin.

nagkape kami siyempre, pantanggal ng amats. pagdating namin sa "kapihan," sabi ni romeo magpapark lang daw siya... after a few minutes, hindi pa rin bumabalik si romeo. siet. iniwan na kami ng aming "ride." nasa kanya pa lahat ng gamit ni jonas so medyo bad trip. hehe. at siya lang ang siguradong sober sa amin dahil batang bottomless 'yan... BOTTOMLESS ICED TEA! hehe.

tapos umorder kami nina shing at mark. habang umoorder, nagkukulitan pa kami... at maya-maya ay may napagbalingan kami ng ibang klaseng atensyon.

sa counter, may glass jars. sa loob ng glass jars naroon ang chocolate biscotti... tinatawag ang pangalan namin....

naka-jacket pa naman kaming tatlo! hahaha... at siyempre since tipsy na, medyo may topak na kaming tatlo.

sa madaling sabi, naharbat namin ang biscocho. tama ba spelling nyan? at kumpleto na ang gabi ng high school tripping namin. (aside from deliberately kaming nakatulog ni shing para hindi magbayad sa cab... hehe. peace!)

hindi po kami klepto... nagkataon lang na hindi kami napapansin... at may impluwensya na kami ng isang kabayong nakangiti. hahaha!

tumatanda man kami... hindi na yata kami babalik sa tamang katinuan. wahahaha!

Friday, August 5

Ang Mga Pangyayari sa 138... Bow.

exam sa 138 kanina... and as always, late na naman ako. halos 7:30 na yata ako dumating. todong cramming na kasi ang ginagawa ko dahil gabing-gabi na ako nag-aral... at nababagabag pa ako sa bawat pagyanig ng aking cell-epono. hehe. (si ces kasi! hahaha)

ayun. late nga. tapos pagpasok na pagpasok ko, nag-aabot na si ma'am guevs ng test papers. siet. sakto sa timing.

tapos tumayo ang isang personang itago natin sa alyas na ces at nag-abot ng kapirangot na papel sa akin.

"oye may gift ako sa'yo!!!!"

SINO BA NAMAN ANG HINDI MA-TETEMPT NA BUKSAN IYON?!

nangiti tuloy ako...

at buong exam, akala yata ng prof kodigo ang inabot n'yang iyon. hehehe.

bow.

Wednesday, August 3

"Happiness"

naabutan ko si alma kahapon sa tambayan na hindi masyado happiness ang mood. hindi na pala siya nakapasok sa class nila kasi ni-lock ng prof 'yung pinto. kaya naman pala wala nang isisimangot pa 'yung mukha ni mayor. nasabi niya na wala pang nagaganap sa buhay n'ya 'nung araw na iyon... nag-attempt pa akong sumagot na puro "happiness" nga ang buhay namin ngayon... at sinagot n'ya ako ng ganito:

"iyon na nga eh. kung wala tayong happiness wala nang nangyayari sa buhay ko."

natigilan ako sandali. napaisip ako dun sa sinabi ni alma eh. oo nga, parang wala na kaming ginawa nitong mga nakaraang linggo kundi lumabas, magpakalango, magkulitan. mas naubos pa yata ang pera ko sa mga lakad namin kaysa sa projects at readings na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinisilip kay ate sa 2nd floor (at naalala ko ang overdue kong isang buwan.... waaaahh!!!).

parang hindi madami 'yung mga kailangan naming gawin. parang walang feasib at thesis na kailangang problemahin. nakakagulat lang. naalala ko rin 'yung isang usapan namin ni ces nung nanggaling kami ng film center after manood ng guess who.

ibang-iba na kasi ngayon kung ikukumpara mo noong series o catering. noon alam kong pagod na ako, bangag na, pero hindi naman ako tumitigil. parang energizer bunny, we keep on going, and going, and going...

pero ngayon, konting pagod lang, suko na ako. hindi pa nga 'to kasing todo nung sa series or catering eh. ang sabi nga namin, baka nga tumatanda na kami and we've lost the touch for cramming. not enough vitamins na. oh no. masama na ito.

kaya nga siguro "happiness" itong mga huling araw na ito. alam namin kailangan na naming magtino. kaya lang kasi, napapagod din pala kami. kailangan din pala naming magkulitan paminsan-minsan, labas sa feasib at thesis. magpaka-bum. magpacute. malasing hanggang sa maiyak. kumanta hanggang sa sumpain kami ng mga kapitbahay. magkwentuhan. matahimik sa kabangagan.

tapos na ang happiness. back to work na 'toh. good luck sa exam sa 138. hehe.

Monday, July 25

Technologically Tragic

imagine this:

4 pm pa lang tapos ko na lahat ng dapat tapusin para sa feasib report tomorrow morning. 9 pm tapos ko na 'yung gimmick na sinasabi ni joboss para astig sana 'yung presentation.

12:30 am na natatanga na naman ang burner ko!!!

sabi sa pop-up, 2 minutes na lang tapos na... eh p*@#^&! 15 minutes na hindi na gumalaw pa 'yung bar chorva nya... aiup talaga. tas nung na-click ko, not responding na! grrr talaga... imbes na wala na akong kangarag-ngarag dahil minsan sa buhay ko ay sinipag ako, ang teknolohiya naman ang magpapabagsak sa akin! IBALIK NA NGA LANG ANG MANILA PAPER AT PENTEL PEN!!! at least doon wala na akong sablay.

ang malabo lang talaga dito, nung isang linggo nakapag-burn pa ako ng kanta para sa kaibigan ko. hindi naman siya tinopak. napagtanto ko na kung kailan ko siya talagang kailangan... saka naman siya nasisira... nananadya na yata ito ah... parang lalake. hahahaha!!

hay... todo na nga siguro desperasyon ko dahil itinatawa ko na lang ito. sana naman maayos ko ang lahat at makatulog na naman ako.

Sunday, July 24

Still Drunk

it's two o' clock in the morning and i just got home. this is the first time that i will be trying to write an entry while i'm drunk. you would just have to imagine how much time it took for me to type up that last sentence since you won't be able to see me squinting at the screen right now... trying to keep my eyes open enough for me to see the words i put out onto the screen. also, deleting every other letter since i push an excessive amount of keys at my current state.

i missed hanging out with my boys. there were only four of us there when i left a few minutes earlier- john, pea, jopet, and i. i didn't get roaring drunk but it was enough for me to feel a numbness in my legs. good thing my mom did not open the door for me... i wouldn't have heard the last of it since this would be the first time she'd catch me like this.

there's really no reason for writing this entry... i'm just trying to figure out how i sound like when i've had a few shots under my belt... so far, so good. no bitter references to a certain ex nor unnecessary rants towards non-existing characters....

pucha nahihirapan na ako!!!!!!!!! matutulog na ako... siet.

Friday, July 22

Magpapaalam na Sa'yo Ang Aking Kwarto*

madaling araw na, kakauwi pa lang natin, at kasalukuyan mong pinanonood ang ginagawa kong pagbukas sa aking kwarto. tinanggal mo ang sapatos mo, itinabi, at sinundan mo ko papasok.

natawa ka pa nga ng kaunti... tumambad kasi sa'yo ang sabog na estado ng kwarto ko.
pinagalitan mo pa ako dahil sa tanda kong ito, hindi pa rin ako marunong magligpit. iniwan muna kita saglit habang inaayos ko naman ang ipinunta mo roon.

nang tatawagin na kita, natigilan ako. nakatayo ka pa rin malapit sa kama ko, kahit na inayos ko na ang isang bahagi ng kama para makaupo ka. hinihimas mo ang laruan na nasa ulunan, nakilala mo pala. lumingon ka at nakita mo akong nakatingin sa'yo. nakangiti mong sinabi,

"tagal ko na palang hindi pumupunta dito, ano? naaalala ko tuloy 'yung dati 'pag dito lang tayo nakatambay..."

iniisip mo pala iyon. naupo ka sa kama, kinuha ang isang unan, at niyakap ito. kahit pala palitan ko ng pillowcase iyon, alam mo pa rin. siguro halata na laspag na siya dahil lagi ko siyang niyayakap, kaya mo siguro nakilala.

tumabi ako sa'yo at nahiga tayo. napaisip din tuloy ako. paano nga ba tayo noon? ano nga ba ginagawa natin dito? naaalala ko na... pero parang iba na sa pagkakaalala ko noon.

ilang araw ang lumipas, ginugulo pa rin ako ng mga tanong. at sa paggising ko isang araw, nalaman ko ang sagot.

hindi ko na maalala 'yung nararamdaman ko noon kapag kasama kita.

matapos ang mahabang panahon, nakalimot na nga ako.

hindi ko lang inaasahan na malungkot din pala ang mag-move on.

* si ces kasi, nag-quote ng "kwarto..." hehe.

Wednesday, July 20

Good Things Happen When You Cut H.E.

monday night, late na akong nakauwi from a catering gig- nalipasan na ng gutom, sumasakit ang paa, at bangag to the max. pag-uwi ko ay kailangan ko pang ayusin ang dumpsite na aking kwarto dahil kung hindi ay mahihiga ako sa tambak na damit, libro, gamit, at kung anu-ano pa sa aking kama.

tapos papasok pa ng 10 am the next morning. PE pa. i enjoy the class pero wala ako sa kundisyon para mag-pick up ng dance steps, lalo na 'yung may pa-hop hop pa! imagine nalang 'yung hitsura nun... mukha siguro akong adik. ang laki ko pa, sumasabit pa ung heels ko sa cracks sa tiles ng vanguard, at masakit pa likod ko (nirarayuma na rin ba ako tulad ni binay?!)

after that, naglunch ako sa tambayan... tapos sinabi sakin ni mayor na pinanood nilang mag-taekwondo moves si korean champ... and that i missed half of my life. shucks talaga... consuelo de bobo man lang for a crappy morning... and an afternoon that's stinking up pretty quickly.

pagkatapos nun, lumabas ng class si girlfriend at may ipinamalita. haha. nadismaya naman ako. ewan ko kung bakit. kaadikan na rin siguro ng araw na 'yun kaya ganun. nag-aya tuloy ng session sina aissa pero naalala ko, mga boys din nag-aya ng session nung monday.

at dahil na-sad nga ako, madali akong na-BI na mag-cut ng HE!! hahahaha.
quiet lang sa unang location, hanggang mag-lunch. tapos nagpaikot-ikot na kami...
ayan.

kulitan na ulit...
tapos biglang....
ngyahahahahahaha!!!

malalaglag na yata ako sa escalator sa ginagawa sakin ni ces.

tuloy-tuloy pa mag-babble. natotorete na yata lahat ng tao sa mall sa pagsasalita nya. naalog na rin ang utak ko sa kakaalog nya.

biglang hindi na namin kinailangan ng kape dahil sa sobrang energy.

haha. nakakatawa lang.

rollercoaster of emotions the whole day.

wala siyang kwenta. alam ko. hehe.

Tuesday, July 12

Wala Lang

that's the title of the book i was browsing through earlier. i was wandering aimlessly around the mall, whiling away my 3-hour wait. after eating lunch by my lonesome (pathetic), i marched on to the bookstore to hide from the rest of coupledom, save myself from further humiliation, and to check out the new chick lit selections that i will not be able to buy for myself... well at least for the next four months while we're doing our feasib. nothing really grabbed my attention there so i went to the rack behind it, the one that housed local books (bob ong, jessica zafra to f. sionil jose). and this is where i found... wala lang.

it was a lot like bob ong's "abnkkbsnplako" but it wasn't really a laugh-a-minute. there were parts that cracked me up, and then there were entries that were very sentimental. parang blog.

then i read the blurb at the back of the book, the entries were from an online journal the writer (bud thomas) kept before. i enjoyed reading it so much because he was just reminiscing his life as a child, as a student, as a young adult. some of his stories made me think of my own stories, my friends' stories. like the tricks they played on the teachers. the way they defied authority, how he coped with school. how friendships formed. how he went into the adult world. it was fun reading it because someone my age could relate to it. well... he is a lot older now, but what he had there was pretty much universal. hindi po ako pro book critic pero nagustuhan ko siya...

and i found this quote that he excerpted from somewhere else, it captured the essence of blogging... and my other favorite thing to do... dwelling on nothingness (hehe):

"if you can't impress them with ability, dazzle them with bullshit!"
hahahaha!!

it's not a thick book so it's not tiring to read, large fonts din. just as big as the jessica zafra books, a bit thinner maybe, but when i looked at the tag, my jaw dropped.

360 pesos!!!!

that's the same as some of the imported chick books!!!

(now you know what to get me.... heehee c",)

aiun lang... my sister jeni practically has me in a strangle hold... she'll be blaming me for the break up of her "thang" for the rest of my life if i don't get off the net now.

Friday, May 27

Birthday Hula







Your Birthdate: January 11

Your birth on the 11th day of the month makes you something of a dreamer and an idealist.

You work well with people because you know how to use persuasion rather than force.

There is a strong spiritual side to your nature, and you may have intuitive qualities inherent in your make up, too.



You are very aware and sensitive, though often temperamental.

Although you have a good mind and you are very analytical, you may not be comfortable in the business world.

You are definitely creative and this influence tends to make you more of a dreamer than a doer.



What Does Your Birth Date Mean?

Monday, May 16

Relapse

isang text lang kanina, napangiti na ako. kainis. kung kailan naman nawawala ka na sa sistema ko saka ka nagbabalik. kadiri na nga raw kasi humahangos pa ako para lang makita ka. waaah. nakakabaliw ka. kung anu-ano ang napapagawa mo sa akin. napapaasa ako na may mga magandang bagay pang nag-aantay para sa atin. aiup.

di mo lang alam sayang ang pamasahe.

and for your information, ikaw ang dahilan kung bakit amoy araw ang buhok ko. adik!

Friday, May 13

'Di Na Ko Sinisipon

sinisipon ako kapag summer. every summer. regular na kagaguhan ng katawan ko 'to. feeling ko talaga nun ang pathetic kong tignan. tirik na tirik ang araw, sobrang init, usung-uso ang mga malalamig na pagkain at inumin, maya't maya may mag-aayang mag-swimming, pero lahat ng 'yan hindi puwede. sa loob ng bag ko tuwing papasok ako ay dalawang packs ng kleenex, isang banig ng no-drowse decolgen, isang boteng tubig na maligamgam (yuck), at plastic bags na panlalagyan ng "deposits" kapag wala akong makitang basurahan.

hindi tama ang magkaroon ng ganung sakit sa ganung panahon. fluke lang s'ya talaga ng sistema ko. ginugulo lang n'ya ang buhay ko, pinahihirapan akong pumasok sa class, mag-recite at sumagot ng exam na nakayuko (at jusko baka tumulo sa blue book ang uhog ko), pero hindi ko siya maalis. palagi siyang dumadating. kahit anong gawin kong pag-iingat para makaiwas. natutunan ko na rin siyang tanggapin sa buhay ko.

pero ngayon... second week na ng may pero wala pa ring sipon na dumadating. hindi ko na nararamdaman na magkakasakit ako. matatapos na ang summer at ang nag-iisang regular na nangyayari sa buhay ko (aside sa... ehem) ay hindi man lang nagparamdam. samantalang nung nakaraang taon, para kong gripo. nung pumasok pa kami sa chapel noon, imbes na magdasal ako, hindi ko maidahop ang palad ko dahil hawak-hawak ko ang isang pirasong tissue.

nakalagpas na yata ako sa phase na ito. hindi pala ito kasing-regular ng iniisip ko. katulad ng ibang mga bagay, kalaunan ay makakamtan ko rin ang pagbabago... o sa pagkakataong ito... ang kalayaan.

friday the thirteenth pala ngayon. ingat kayo ha.

Wednesday, May 4

Ako ang BANAL NA PUWET

I am 57% Asshole/Bitch.
Sort of Assholy or Bitchy!
I am abrasive, some people really hate me, but there may be a group of other tight knit assholes and bitches that I can hang out with and get me. Everybody else? Fuck ‘em.

hehehe! natawa ako sa term.... ASSHOLY!!!!! hahahaha!!!! isa akong BANAL NA PUWET!!!!hindi ba dapat assholey? asshole like? wala akong maisulat na matino ngayon eh... ayan na lang. tarantado daw ako. hehehe.

Saturday, April 16

Anong Sabi Mo?!

naranasan mo na ba 'yung pakiramdam na parang may narinig ka pero wala namang indikasyon na sinabi sa'yo iyon? 'yung alam mong may sinabi nga siya pero hindi mo naman sigurado kung tama ang rinig mo. hindi naman kasi biglang tumitigil 'yung pag-uusap niyo. parang imahinasyon mo lang. sobrang hina kasi. baka nga dighay lang 'yun.

ang masama pa, hindi mo maitanong. hindi mo maipaulit. baka kasi sabihin niya feeling ka. kasi 'yung akala mong narinig mo, mga salitang magpapasaya sa'yo... mga salitang matagal mo nang inaasam na sabihin niya.

Monday, April 11

Nung Minsang Kami ay Mag-3 o' Clock Habit

nagising siya sa pag-vibrate ng telepono niya malapit sa kanyang ulo. tinignan niya ang kanyang relo. alas-tres ng umaga. mas maaga siya ngayon kaysa nung mga nakaraang pagtawag niya. isang oras pa lamang ang itinutulog niya pero okay lang. sanay na siya sa pagtawag niya sa madaling araw. ito nga madalas ang dahilan ng pagkabangag niya kinabukasan pero ayos lang, ganitong oras lang kasi siya maaring tawagan. at alam naman niyang hindi siya mababagot sa pag-uusap nila. agad niyang sinagot ang telepono.

katulad ng dati, tinanong muna siya kung nakatulog na ba ito. nagkamustahan. maya-maya ay natahimik silang konti. hindi niya kasi inaasahan ang pagtawag niya. hindi niya alam ang sasabihin. nang magtatanong na siya ay bigla itong natigilan... nag-uumpisa na ang kanyang litanya.

masama kasi ang loob niya kaya siya tumawag. nakainom pa ito. hindi na niya mapigil ang pagsambit nito ng galit niya... sa mga kaibigan niya, sa pamilya, sa situwasyon niya ngayon. nakatitig lamang siya sa kisame habang ibinabato niya sa kanya ang lahat ng gumugulo sa isipan niya. may mga pagkakataong magsasalita siya, susubukang aluhin siya. may mga pagkakataon namang mapapatahimik niya ito, pero may panahon din namang ayaw niyang magpaamo. gusto niya kasing ipaintindi sa kanya ang lahat ayon sa pagkakaalam niya. pero kahit ganoon, hindi pa rin siya tumitigil. ang gusto lang naman ay maihinga niya sa kanya lahat ng problema niya. iparamdam sa kanya na mayroon pa rin siyang kakampi.

matapos ang halos tatlong oras na "pagsusumbong" medyo umayos na rin ang lagay niya. hindi na siya masyadong galit. pumayag na rin ito sa ibinigay na payo sa kanya. tumahimik ulit ang linya. napangiti siya. siya naman ang magkukuwento. madami rin kasing nangyari sa kanya mula ng huli silang mag-usap. siguradong makakalimutan niya panandalian ang mga hinanakit niya sa mga masasaya niyang kuwento.

pero hindi na siya binigyan nito ng pagkakataon. nagpasalamat na ito sa kanya. siya lang naman kasi ang napagsasabihan niya ng lahat ng mga ito.

at ibinaba na niya ang telepono.

sandali siyang napatanga. iyon lang pala ang dahilan. kinailangan lang niya ng karamay. oo nga pala, wala kasi dito ang kabarkada niya. napabuntong hininga siya. buong akala niya kasi ay hindi na ulit mangyayari ang ganoon. pinikit niya ang kanyang mga mata, umaasang aanurin ng antok ang kalungkutang nanganganib na dumaloy sa kanyang mga pisngi.

huli na ang lahat. naisip niya, hindi nga talaga dapat siya umaasa.

Wednesday, April 6

It's Good to be Bad

last weekend na siguro ang pinakabaliw na sem-ender na na-experience ko. hindi lang naman dahil sa dami ng alcohol na nilaklak namin, kundi dahil na rin sa mga pangyayari ng gabing iyon na nagpaisip sa akin ng konti.

at dahil napag-isip ako, ito na ang wish nila xenia (opo, update na ito).

madami kasi sa mga kaibigan ko noon ang nagsabing nagbago na nga ako. malayo na raw sa batang nakilala nila noon na wala pang kamuwang-muwang. ibang-iba na sa nakagisnan naming "lifestyle" nung mga panahong iyon. madami pa rin kasi sa kanila ang hindi nagbago, isa lang ako sa ilang tumiwalag sa stereotypes na kahit anong pilit naming itanggi ay nabubuhay pa rin sa mundo namin.

oo nagbago nga ako, pero hindi naman ganoon kalaki. sabihin n'yo nang defensive ako pero hindi talaga. noon pa man ay ganito na ako, at alam nila iyan. hindi lang kasi gaanong nakikita kasi palagi akong nasa isang grupo, o isang relasyon (depende kung anong era ang pinag-uusapan Ü) at meron silang mga "expectations" kung paano ako kikilos, kung anong sasabihin ko, anong gagawin ko, anong hitsura ko, o anong magugustuhan ko. noon pa man, hindi na naman ako masyadong sumusunod dito, pero ingat ako na huwag magkamali, at baka mahusgahan ako at maging outcast for the rest of my adolescent existence. nang makaalis ako doon, naramdaman kong malaya na ako, malayo na sa mundong kinagagalawan ko noon at may bago nang yugto. mahal ko naman ang mga taong nakasalamuha ko doon, at hindi ko ikinakaila ang pagiging tulad din nila nung mga panahon na iyon (dahil naging masaya rin naman ako), pero mas malakas na ngayon ang pagnanais ko na maging ako. wala na kasing image na iisipin. makakapagsabi na ako ng kahit anong maisip ko. maari nang gawin ang mga bagay na noon ay itinatanggi kong ginagawa ko. ngayon, wala na akong iniisip na huhusga sa akin, o ikukumpara sa ibang taong nakakasalamuha ko.

bakit ko naisip itong bigla?


nakita ko kasi kung paano nagpakawala ang ilan sa mga kakilala ko last weekend. parang napakatagal na nilang nagpipigil, nagtatago. nakakatakot nga lang, kasi nang makawala na sila, hindi na sila mapigilan. sumobra naman yata. kilala ko ang mga taong ito at kahit papaano ay alam ko ang mga kuwento nila. mababait. matatalino.hindi makabasag pinggan...

haayy... talaga nga namang it's good to be bad.



*in memory of the 2005 semender specials

no offense sa mga batang nalango nang gabing iyon... alam n'yo na sana iyan (lalo na si kabiit). DB's alam ko naintindihan nyo ito... kahet konti. hehe

Monday, March 28

Mission Impossible

naranasan mo na ba ang relasyong "mission impossible?" alam mo na, iyong parang secret operation ang lahat ng pagkikita niyo, secret codes ang pag-uusap, at ni pangalan niya ay hindi mo puwedeng banggitin kasi baka kayo patayin ng mga Hapon?

may kaibigan ako na ganito makipag-usap noon sa cellphone:

"hello. yeah. 30 minutes. nope. ok. bye."

napaka-abrupt. napapataas na lang kami ng kilay. matapos ng ilang minuto ay aalis na siya, humahangos. tila may hinahabol. sabi niya ay pupunta raw siya sa tita niya. maya-maya ay nakita namin siyang sumakay sa kanto, sinundo ng isang kotse. may boylet nga siya. itinatago pa sa amin. kung bakit ay hindi ko pa rin alam hanggang ngayon. kalahating taon na ay hindi pa rin namin nakikilala ang lalake niya.

meron din naman akong kaibigang lalake na ayaw ipabasa sa amin ang cellphone n'ya. kahit kung makiki-text kami, kailangan siya ang mag-type. paranoid. weird. nang minsang malasing siya, naagaw namin ang cellphone niya. at doon na namin nakita. puro [.....] ang sender. puro sweet messages. muntik na akong masuka dahil sa kakornihang ito. ang pinakabrusko sa mga kabarkada ko, napaamo ng isang babaeng hindi man lang namin alam ang hitsura.

natatawa na lang ako sa mga ginagawa nila... para kasing ang hirap para sa kanila ang sabihing may ka-relasyon na sila. para kasing madaming dapat katakutan. eh bakit pa sila pumasok sa ganun kung hindi rin lang naman nila kayang ilantad?

na-karma yata ako.

katulad nila, ako naman ang nagkukubli sa garahe, nagtatago ng text, nagsisinungaling.

para sa isang taong sigurado akong hindi ko makakatuluyan.

alam ko na ngayon ang mga rason nila.

ok lang, masaya naman ang "mission impossible." kahit sandali lang.


* aiup shang kasama. sana... magkita kami ulit.

Sunday, March 27

10 Utos ng Mang-iinum

1. hwag pasaway pag umiinum

2. hwag inum lang ng inum... bumili ka naman

3. hwag matakaw sa pulutan

4. hwag magtagal ang baso sayo may iba pang tatagay

5. Uminom ng diretso s tiyan wag sa ulo

6. magpaalam pag uuwi na hinde yung bigla bigla nwwla

7. siguraduhin sa haus ang uwi hindi kung saan

8. hwag matutulog habang umiinum

9. magtira ng panlakad kahit hinlalaki ng paa

10. hwag mananakit ng sino man asawa o gf pag nakakainum pwera na lang pag sinabing "putang ina mo! sige maglasing ka pa!"


* para sa mga "shang kids"
uhh... nde ata naten nasunod ang mga ito. wahahahaha!

Happy Easter

tatlong araw ang winaldas ko kakatitig sa mga papel na nakakalat sa sahig ng kwarto ko. cases. assignments. problem sets. listahan ng grocery. haay... sino ba kasi ang nagsabi na isasara lahat ng mga negosyo kapag Mahal na Araw? dito lang naman sa Pilipinas ginagawa ito.

mas hindi ako makapag-trabaho kung hindi ako nginangarag. walang pressure. pagkatapos ng halos isang buwan na wala akong matinong tulog, bigla na lang napirmi ako dito sa bahay at wala nang ibang ginagawa. para akong nilubog sa nagyeyelong tubig. nakakatawa. nadidistract ako sa kawalan. adik na nga yata akong tunay.

pakingsiet. kahit anong distraction... welcome. basta. sirain n'yo lang ulit ang ulo ko!!!!!

argh!

oo nga pala, HAPPY EASTER.

Friday, March 25

Fling

i just could not believe what he was saying. he told me that i do not know how to flirt. moreover, he told me that i was not capable of having a fling with a guy. he was such a chauvinistic pig i almost scratched his eyes out. yes, i am a girl. it is not a big deal now for someone with boobs to play the field. he had such a medieval idea of guys and girls it makes me sick.

then he told me that i did not have the heart to do such things. i didn't know if i was going to be touched at what he said or totally pissed. i had no idea if it was a compliment. he would not explain it to me further. then he told me i was not headstrong. that got me riled up a little. i know i was acting childish, insisting on being able to do something that i have never really had much experience with. but this was my strength we were talking about. i started to feel berated.

then realization set in.

could he be...? no that is quite impossible.

i realized that he was not making any reference to our relationship... or whatever it is that we have right now.

maybe he really is...

because i suddenly realized that what we have is an affair of some sort. i can't find a word to better define our stand than a fling. i am flirting with him and him with me.

i just can't believe it...

that last thought has left me smiling.

Thursday, March 24

Wala Nang Mas Lulungkot Pa

Broken Sonnet
[Hale]

And now I concede
On the night of this fifteenth song
Of melancholy, of melancholy
And now I will, repeat in this fourth line
That I love you, I love you.

I don't care what they say
I don't care what they do

'Cause tonight
I'll leave my fears behind
'Cause tonight
I'll be right at your side.

The clock on the TV says 8:39 PM
It's the same, it's the same
And in this next line
I'll say it all over again
That I love you, I love you.

I don't care what they say
I don't care what they do

'Cause tonight
I'll leave my fears behind
'Cause tonight I'll be right at your side.

Lie down right next to me
Lie down right next to me
And I will never let go
Will never let go.

I'll leave my fears behind
'Cause tonight
I'll be right at your side.

Lie down right next to me
Lie down right next to me
And I will never let go
Will never let go.

But still I see the tears from your eyes
Maybe I'm just not the one for you.

naaalala ko itong situwasyon natin ngayon sa kantang 'yan. hindi naman talaga tayo dapat ganito... hindi naman talaga tayo ang dapat na nagdadamayan... mali ang relasyong ito. isang ilusyon. pero wala tayong pakialam. ayaw kong mawala ka sa akin... at sana totoo ngang ayaw mo rin akong malayo sa iyo.

Wednesday, March 23

Rant Para Sa Isang Batang Nawawala

tapos na nga ba ang kalokohan nating ito?

o na-sesense mo lang na marami akong ginagawa sa buhay ko?

baka naman tinatarantado mo 'ko ulit...

pucha, anhirap mo namang hulaan.

nakakairita

kung kailan pa kasi kailangan ko ng isang taong sigurado akong masasandalan ko...
saka ka naman naglalaho.

tanginah.

[nung mga panahong abot baba na ang eyebags ko... pero nawawala ka pa rin. hay. tae ka.]

Monday, February 7

Surprisingly Sober

the dawn is breaking but we are still up, sitting side by side on the blanket i have laid out in the backyard with a bottle of beer each in our hands. all the other friends we were with are now either home or passed out on my couch in the living room. we're both feeling the buzz from the alcohol but we're still standing. we find this as an opportunity to spend some quality time together, without trying to look nonchalant in front of our friends and dodging raised eyebrows and whispered comments everytime our fingertips even attempt to graze against each other. as i lay my head against your chest, your arms tightly wrapped around me, a sudden jolt of sobriety shot through my brain and thought after thought coursed through my dazed mind.

what we have now, however complicated and demented the situation may be, is the best relationship we've ever had. i really don't want to get back together with you right now, i think it will just kill the good chemistry we've been having recently. we've lasted longer than the year that we have been dating. we have yet to get into a disagreement. we're finally seeing each other in a different light. and for the first time in years, we actually found something that we agreed on. you have been treating me in the sweetest way since we have started this and that alone is reason enough to keep on going like this behind their back.

i don't want people to know we're seeing each other on the sly. i think the reason for things going sour is when the people around us get to meddle with our affairs. i don't want them poking their judgemental noses into our unusual arrangement. another thing is that the commitment pressures us into doing somethings we do not want to do. i, myself, do not want to tie myself down at such an early age to a relationship that does not have any certainty. our set up right now is very casual, no cloying feeling and the paranoia of you seeping through every bone in my body. we both have separate lives but come as one when we hang out. the best thing for me right now, definitely.

so, as we cuddle against the gritty morning air, i was surprisingly sober. the random thoughts that rattled around in my dazed head made some sort of sense. no amount of alcohol could blur what i think of us... and what i should do. it may sound utterly ammoral, rude, selfish, bitchy... but i don't care.

i only sober up once. this time, i'm going with what i know will make me happy... heed no mind to formalities and all that shit. all that matters is me... and him.

thanks... it was the birst birthday i ever had...